Mag-asawang sundalo, iniwan sa ere ng contractor nila matapos magbayad ng P700K

Mag-asawang sundalo, iniwan sa ere ng contractor nila matapos magbayad ng P700K

-Pader at mga poste pa lamang ang naitatayo sa pangarap na bahay ng mag-asawang sundalo ngunit missing in action na ang kanilang contractor

-December 2017 pa daw nang simulan itayo ang kanilang bahay

-Naglabas na ng warrant of arrest para sa engineer na kausp nila at sa asawa nito maging iba pang empleyado ng construction company

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Missing in action na ang contractor na si Engineer Ryan Yulo ng Geo Custom Build Corporation matapos itong bayaran ng P700,000 ng mag-asawang sundalo para sa pagpapatayo ng bahay ng mga ito.

Ayon sa mister na isang Major, December 2017 pa sinimulan ang konstruksyon ng kanilang bahay ngunit makalipas lang daw ang ilang buwan ay huminto na raw ang mga ito.

Sa ngayon, tanging pader at mga poste lang ang nag nagawa ng mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Masakit para sa kanya at sa misis niya na isa namang sarhento na mapunta lang sa wala ang kanilang pinaghirapan.

Ni-loan lang nila ang perang ibinayad sa suspek at kinakaltas ito sa kanilang buwanang sahod. Ang masaklap pa, limang taon nila itong babayaran ayon sa pahayag nito sa panayam sa ABS-CBN News.

Ngunit hindi lang pala sila ang nabiktima ng suspek kundi maging ang kanyang kapatid na nagbayad na rin daw ng mahigit P100,000 ngunit ilang pirasong tiles pa lang ang naikakabit sa bahay nito.

Naglabas naman na ng warrant of arrest para kay Yulo at maging sa asawa nitong si Baylin Yulo na tumayo umanong finance manager ng Geo Custome Build Corporation. Maging ang tatlo pang empleyado nito na sila Joseph Aguilar, Francis Julius Avena at Mary Grace Panguito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel