Jodi Sta. Maria finally reveals true status of her relationship with Jolo Revilla

Jodi Sta. Maria finally reveals true status of her relationship with Jolo Revilla

- Inihayag ng aktres at host na si Jodi Sta. Maria na single na siya noong pang 2018

- Tinuldukan na nito ang espekulasyon ng marami na nagkabalikan na silang muli ng aktor at politikong si Jolo Revilla

- Nagpahayag naman ng suporta ang ilang netizen sa ginawang pag-amin ng aktres tungkol sa estado ng kaniyang buhay pag-ibig

PAY ATTENTION: Click “See First” under the “Following” tab to see KAMI news on your News Feed

Nilinaw ni Jodi Sta. Maria ang totoong estado ng kaniyang love life sa pamamagitan ng pagsagot sa tweet ng isang fan.

Spotted ng KAMI ang palitan ng tweets ni Jodi at ng isang fan na natuwa nang mabalitaan nitong single nang muli ang aktres. Sinagot ni Jodi ang kaniyang fan at proud nitong sinabi sa kaniyang tweet na single na siya simula 2018 pa.

Matatandaang noong Hulyo 2018 ay sinabi ng aktor at politikong si Jolo Revilla na hiwalay na sila ng aktres at pinutol na ang komunikasyon nila sa isa’t isa. Gayunman, noong Disyembre 2018 lang din ay napabalitang nagkaayos na ang dalawa at sinusubukang ayusing muli ang kanilang relasyon kahit na nali-link rin ngayon si Jolo sa aktres na si Rhian Ramos. Pero tinuldukan n ani Jodi ang mga espekulasyon sa pamamagitan ng tweet niya kahapon at idiniing single siya noong nakaraang taon pa.

Umani naman ng iba’t ibang reaksiyon ang pag-amin na ito ni Jodi Sta. Maria. Ayon sa ilang fans ni Jodi, buo pa rin ang suporta nila sa aktres at umaasa silang sa tamang panahon ay makikilala rin nito ang kaniyang “the one.” Dagdag pa ng isang fan, masaya sila sa mga nararating ng aktres kahit na single ito dahil malapit na nitong matapos ang kursong psychology.

PAY ATTENTION: Using free basic apps to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong 2012 nang unang aminin nina Jolo at Jodi ang kanilang relasyon sa publiko. Ngunit noong 2016, nagkahiwalay ang dalawa at nagkabalikan rin.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, hindi maipaliwanag ni Jodi ang saya dahil isang semester na lang ay matatapos na niya ang kaniyang kolehiyo.

Si Jodi Sta. Maria ay isa sa mga award-winning actress ng ABS-CBN. Nakilala siya bilang isang magaling na host at aktres. Ilan sa mga top-rating teleserye niya ang “Be Careful With My Heart,” “Pangako Sa’yo,” at “Sana Dalawa ang Puso.”

POPULAR: Read more news about Jodi Sta. Maria!

Enjoyed reading our story? Download KAMI’s news app on Google Play now and stay-up-to-date with major Filipino news!

This video will tickle your mind and ignite your critical thinking as the HumanMeter team test your logical thinking through the following Tricky Questions. Check out our videos– on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Karylle's joke allegedly offends Ryan Bang in the midst of hosting 'It's Showtime'

Ryan Bang allegedly gets offended on air because of Karylle’s joke

Ryan Bang allegedly gets offended on air because of Karylle’s joke
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel