Call of duty! Nurse, biglaang nagpaanak ng 1 palaboy sa kalye sa Maynila

Call of duty! Nurse, biglaang nagpaanak ng 1 palaboy sa kalye sa Maynila

-Nag-viral sa social media ang ginawang pagpapaanak ng isang nurse sa isang palaboy sa isang kalye sa Maynila

-Kwento ng nurse, nagsimba lamang daw siya nang maganap ito

-Aniya, delikado rin para sa kanya ang ginawa dahil noong mga panahong iyon ay may sugat siya sa kamay at walang gamit na gloves

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa ulat ng programang Bandila ng ABS-CBN News, itinampok ang nurse na nag-viral matapos magpaanak ng isang palaboy.

Sa isang viral video sa social media, makikita si nurse Dearest Ferry Lachica habang pinapaanak ag isang palaboy sa isang kalye sa Sta. Mesa sa Maynila nitong weekend.

Nurse si Dearest sa Our Lady of Lourdes Hospital sa Maynila. Graduate at lisensyadong midwife si Dearest dahil panagarap daw ito ng kanyang ina ngunit 'di ito natuloy.

Kwento niya, nagsisimba lamang daw siya ng mga panahong iyon nang may tumawag sa kanya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakalabas na daw ang baby mula sa sinapupunan ng babaeng umano'y wala sa tamang pag-iisip.

Call of duty daw ito at ito rin daw ang unang pagkakataon na nagpaanak siya.

Ngunit delikado din daw para sa kanya ang ginawang pagtulong dahil may sugat siya ng mga panahong iyon at walang gamit na gloves habang isinasagawa ang pagpapaanak.

Improvise lang din ang mga ginamit niya.

Agad namang dinala sa boarding center ang mag-ina para masigurong ligtas ang mga ito. Ligtas at isang healthy baby boy ang isinilang ng babae.

Sabi naman ni Dearest, kung may ganitong eksena dapat na tumawag agad ng tulong dahil hindi lahat ay kayang magpaanak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel