Willie Revillame, naging emosyonal dahil sa ginawa ng mga Mangyan sa kaniyang resort

Willie Revillame, naging emosyonal dahil sa ginawa ng mga Mangyan sa kaniyang resort

- Naging emosyonal si Willie Revillame sa kaniyang pagbisita sa resort sa Puerto Galera

- Inabutan niya kasi doon ang mga Mangyan na may nakakaantig na ginawa sa property

- Dahil dito ay naghandog ng mga regalo si Willie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ng Kapuso host na si Willie Revillame na napaluha siya nang makita ang ginawa ng mga Mangyan sa kaniyang white-sand beach resort sa Puerto Galera.

Nalaman ng KAMI na sa pamamagitan ng kaniyang helicopter, tinungo ng batikang celebrity ang nasabing property nito lamang nakaraang linggo.

Willie Revillame, naging emosyonal dahil sa ginawa ng mga Mangyan sa kaniyang resort

Photo via PEP.ph
Source: UGC

Ayon kay Willie, naantig siya dahil sa ipinamalas na katapatan ng mga Mangyan at dahil na rin sa kasipagan nila.

Sila daw kasi ang nag aayos ng puting buhangin sa nabanggit na resort at sila din ang matiyagang naglilinis sa kagubatan doon kaya naman nagbigay ng simpleng handog ang celebrity.

"Ang mga kausap ko, mga Mangyan. Sila ang nag-aayos ng buhangin,” pahayag ng TV host.

"Nagpabili ako ng labinlimang litsong manok para masarap. 'Kain kayo...'” dagdag pa nito.

Bukod pa sa paglilinis, nadurog daw ang puso ni Willie nang malaman na nagsauli ng pera ang isang Mangyan dahil sobra ang ibinayad sa kaniya.

Dahil sa tuwa, niregaluhan ito ng Wowowin host ng isang libong piso, cellphone, jacket, at mga pa-bonus.

"Nakakaawa sila dahil mga no read, no write. Sinabi ng tao ko, ‘Sir, yun pong naka-orange T-shirt, nagsoli ng P1,200 kasi raw, sobra yung bayad sa kanya. Apat na araw lang ang ipinasok niya,’ paliwanag ni Willie.

"Naluha ako. Sabi ko, 'Halika, bakit mo isinoli yung P1,200?' 'Mali po kasi apat na araw lang po akong pumasok,' sagot niya. Na-touch ako,” dagdag pa ng host.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Willie Revillame, naging emosyonal dahil sa ginawa ng mga Mangyan sa kaniyang resort

Photo via PEP.ph
Source: UGC

Sa nakaraang ulat ng KAMI, pinauwi ni Willie ang isa sa kaniyang studio audience dahil iniwan nito ang kaniyang sanggol para lang makapanood ng live sa Wowowin.

Si Willie Revillame ay isa sa mga kontrobersiyal na personalidad sa showbiz. Sa kabila ng mga intrigang ibinabato sa kaniya, maraming mga tao ang natutuwa dahil sa tulong na ibinibigay nito.

POPULAR: Read more news about Willie Revillame!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

A random man (played by our actor Roi) is asking people to help him with transportation money and seems like no one believes him or cares about his trouble. But then we met Tatay Kariton who counts every peso and he did a really touching thing – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Jhong Hilario rides MRT to avoid heavy traffic

Jhong Hilario shares snaps of his MRT ride going to work

Jhong Hilario rides MRT to avoid heavy traffic
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel