Bilis ng karma? OFW na pinagpalit mister na tricycle driver at 5 anak, napauwi na ng Pinas

Bilis ng karma? OFW na pinagpalit mister na tricycle driver at 5 anak, napauwi na ng Pinas

- Matapos tapatan ng OWWA ang hamon ng kabit na si Edwin “Kimpoy” Madredio ay mabilisan din ang pag-aksyon nila

- Nagbigay ng update si OWWA Deputy Administrator Arnel Ignacio na napauwi na ng Pilipinas si Sheerlyn Gerasta

- Humanga ang mga netizens sa agarang aksyon ng OWWA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming netizens ang nasiyahan sa bagong update mula mismo kay OWWA Deputy Administrator Arnel Ignacio sa kontrobersyal na OFW sa Riyadh na si Sheerlyn Gerasta.

Sa pinaka-huling report ng KAMI tungkol sa isyu, ay matatandaang pinatulan na ng OWWA ang hamon ng kabit na si Edwin “Kimpoy” Madredio. Ayon kay Arnel, gagawin niya ang lahat upang maipakulong at ma-deport ang dalawa.

Nalaman ng KAMI na pinost ni Arnel sa kanyang social media account ang pagtatagpo nila ni Sheerlyn sa airport at makikita sa video na napahagulgol ito sa iyak.

Sa sitwasyon kasi ni Sheerlyn ngayon, hindi na matutupad pa ang mga pangarap niya bilang OFW dahil napauwi na siya ng bansa.

Bilib ang maraming netizens sa bilis ng pag-aksyon ng OWWA tungkol sa isyu na unang nakita sa programang Raffy Tulfo in Action.

"Dapat pati ung lalaki pinauwi din ser..."
"Tao lng yan nagkakamali hinde lahat tayo perpekto bigyan ng second chance dios nga nagpapatawad tayo pa kaya"
"Pa iyak iyak kapa mga anak mo hnd mo ineintendi"
"Hi salamat Lord nkauwi n rin maaus n nila yung problima nila mag asawa."
"LODI na kita Tito Arnell Action agad! Karapat dapat ka tlaga. Good job!"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, dinetalye kung paano nireklamo ni Charlie Lozada and misis niyang si Sheerlyn Gerasta na umiwan sa kanya at sa kanilang 5 anak.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features a low-budget parody of Jaden Smith's music video for Plastic! This low-budget parody is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
4-yr-old namatay dahil pilit na niligtas ang aso sa nasusunog na bahay

4-yr-old namatay dahil pilit na niligtas ang aso sa nasusunog na bahay

4-yr-old namatay dahil pilit na niligtas ang aso sa nasusunog na bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel