Raquel Pempengco, muling bumuwelta sa engagement ng anak niyang si Jake Zyrus

Raquel Pempengco, muling bumuwelta sa engagement ng anak niyang si Jake Zyrus

- Noong nakaraang buwan ay sinabi ni Jake Zyrus na engaged na siya sa kaniyang nobya

- Agad na nagreact dito ang kaniyang inang si Raquel Pempengco

- Ngayon ay muling naglabas ng saloobin ang kaniyang ina tungkol pa rin sa engagement

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling naglabas ng kaniyang opinyon si Raquel Pempengco tungkol sa napabalitang engagement ng anak na si Jake Zyrus sa non-showbiz girlfriend nito.

Nalaman ng KAMI na inanunsyo ng singer na nasa mas mataas na level na ang kaniyang relasyon kay Shyre Aquino dahil ngayon ay engaged na sila.

Pagputok pa lamang ng balita, nagpahayag na si Raquel ng iba’t-ibang saloobin tungkol sa rebelasyon ng anak.

Sinabi nitong kahit kailan man ay hindi mararanasan ni Jake ang pagiging isang magulang simula nang talikuran nito ang kaniyang pagka-babae.

Ngunit sa statement ni Raquel sa ABS-CBN News kamakailan lang, tila biglang huminahon ito tungkol sa issue ng engagement.

Sinabi nito na okay lang daw sa kaniya ang naging desisyon ng anak basta’t ikaliligaya niya daw ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagama’t wala pa ring komunikasyon ang dalawa, sinabi ni Raquel na ayaw niya nang magtanim ng sama ng loob dahil balang araw ay babalik sa kaniya si Jake.

"Kung doon siya masaya, okay lang sa akin. Lahat naman sila kahit na wala silang komunikasyon sa akin, kung saan man sila masaya may blessing 'yun," pahayag ng ginang.

"Mula noon wala pa akong communication kay Charice (Jake) pasensya na. Pero inuunawa ko nalang kasi nga hindi man siya mag-reach-out sa akin e darating din naman ang panahon. Ayaw ko nang magtanim ng sama ng loob sa kanila at mga kamag-anak ko sila," dagdag pa nito.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, umani ng batikos ang singer mula sa mga netizens matapos ibunyag na engaged na sila ni Shyre.

Si Jake Zyrus ay isang singer na dating kilala bilang si Charice Pempengco. Isa sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya ay ang malalang iringan nila ng kaniyang ina na hindi pa rin diumano matanggap ang pagpapalit nito ng kasarian.

POPULAR: Read more news about Jake Zyrus!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

A random man (played by our actor Roi) is asking people to help him with transportation money and seems like no one believes him or cares about his trouble. But then we met Tatay Kariton who counts every peso and he did a really touching thing – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her child handsome

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her child handsome

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel