Vit C 'di sapat laban sa flu virus; antibiotics posibleng makalala pa

Vit C 'di sapat laban sa flu virus; antibiotics posibleng makalala pa

-Nagbigay ng babala ang isang eksperto kaugnay ng kinagawian ng mga Pinoy para makaiwas sa mga sakit

-Ayon dito, hindi ang vitamin c o ang antibiotics para makaiwas o gumaling sa flu virus

-Isa umanong klase ng gamot na bihira mabili sa Pinas ang pinakamabisa laban sa flu o kaya naman ang vaccine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagbabala ang isang eksperto kaugnay sa kinagawian ng mga Pinoy pagdating sa flu virus.

Ngayong uso ang flu virus, marami sa atin ay nangangamba lalo para sa mga bata.

Kabilang na rito ang pag-inom ng vitamin c. Ngunit ayon kay Dr. Rontgene Solante, chairman ng San Lazaro Hospital's Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Department, 'di ito sapat.

"Puwedeng uminom ng vitamins pero these are just supplementary treatments. It's not really something that can prevent an infection," anito.

Maging ang paracetamol, gamot sa ubo, supplements o mga home remedies ay magbibigay lamang ng pansamantalang ginhawa at 'di nakakapagpagaling ng virus.

Habang ang antibiotics naman ay posible pang makapagpalala sa flu virus ayo pa rin kay Solante.

"Pag may influenza, hindi sagot ang antibiotic. If you take an antibiotic without being diagnosed by a doctor, you may induce drug resistance, lalakas lalo 'yung virus," aniya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kapag pinabayaan at hindi ginamot ang influenza virus, posibleng lumala ang mga komplikasyon katulad ng cardiovascular diseases.

"It (virus) binds to your organ, then it causes instability, disruption that's why patients develop complications," ani Solante.

Ang pinakamabisang gamot umano ay ang oseltamivir ngunit bihira umano itong mabili sa bansa.

"Hindi ganun kadami because drug companies divert it to countries with a higher usage of this drug. Sa Pilipinas konti lang gumagamit kasi the awareness that this drug can treat influenza is not that high," anito.

Hirap din umano ang mga doktor na kumbinsihin ang mga Pilipino na magpaturok ng anti-flu vaccine.

"The problem is we don't put vaccination as an important strategy. We always gear towards treatment, not prevention,"

Source: ABS-CBN News

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel