Obispo, may ‘friendly challenge’ para kay Pangulong Rodrigo Duterte

Obispo, may ‘friendly challenge’ para kay Pangulong Rodrigo Duterte

- May hamon ang isang Obispo para kay Pangulong Rodrigo Duterte

- Giit niya, gawin ng Pangulo ang pangkaraniwang ginagawa ng mga Obispo

- Ang lumakad sa lansangan na walang mga bodyguard o kaya naman bullet-proof vests

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hinamon ni Novaliches Bishop-Emeritus Teodoro Bacani Jr. si Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ang ginagawa ng mga Obispo at pari. Nalaman ng KAMI na ang “friendly challenge” ay maglakad ang Pangulo sa lansangan na walang bodyguards o kaya bullet-proof vests.

"Meron lang akong friendly challenge kay Presidente Duterte. Simple lang na ganito,” sabi ng Obispo.

Aniya, “Alam niyo kaming mga Obispo naglalakad kami, wala kaming bodyguard, wala kaming bullet-proof vests, wala kaming mga security aides na nakapaligid na marami, wala kaming dalang baril, gano’n kami.”

"Ang challenge ko kay President Duterte kung talagang matapang siya, simple lang, gawin niya 'yung ginagawa namin," dagdag pa ni Bishop Bacani ayon sa Radio Veritas.

Obispo, may ‘friendly challenge’ para kay Pangulong Rodrigo Duterte

Photo by Eric Paul Guanlao
Source: Facebook

Base sa balita ng GMA News, ito ang naging sagot ng obispo matapos sabihin ni Pangulong Duterte na ang mga mayayamang Obispo ang dapat “holdapan” at “patayin” ng mga “tambay” na nabalita ng KAMI noon.

Giit pa ng Obispo, dito raw makikita ni Pangulong Duterte ang reaksyon ng publiko sa kanya. Samantala, ang mga Obispo ay karaniwang ginagawa ang pakikihalubilo sa mga tao sa publiko.

POPULAR: Read more news about President Rodrigo Duterte!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Relative of Las Piñas Mayor caught bullying scared couple with 2-year-old child

Relative of Las Piñas Mayor caught bullying scared couple with 2-year-old child

Kamag-anak ni Mayor, nang-bully sa mag-asawang kasama ang maliit na anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel