Video ng batang tumayong ina sa mga kapatid, umabot na sa 36 million views

Video ng batang tumayong ina sa mga kapatid, umabot na sa 36 million views

- Nagviral ang video ni Mandy ang tinaguriang "Little Nanay" dahil sa nakakantig nitong kuwento

- Pumalo ng nasa 36 million views ang video dahil sa marami ang humanga sa katatagan ni Mandy sa mga pagsubok sa buhay

- Nakakulong ang ina ni Mandy dahil sa kasong konektado sa ipinagbabawal na gamot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig at nadurog ang puso sa kwento ng batang si Mikhaella Sivillana o mas kilala sa tawag na Mandy.

Naibahagi ng GMA news ang video ng panayam nila kay Mandy na talaga namang tumagos sa puso ng mga nakapanood.

Nalaman ng KAMI sa murang edad kasi ni Mandy, kinailangan niyang maging ina sa kanyang mga kapatid dahil sa nakakulong ang ina na konektado sa kaso ng ipinagbabawal na gamot.

May maliit pang kapatid si Mandy na inaalagan. Masasabi niyang para nga talaga siyang ina nito dahil sa siya ang bumibili ng gatas, ng diaper at nag-aalaga rito.

Bukod dito, siya rin ang gumagawa ng gawaing bahay kasama ng kanyang ibang mga kapatid.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At dahil biniyayaan naman siya ng talento sa pagkanta, sumasali siya sa iba't ibang singing contest upang mayroon din siyang pangtustos sa pang-araw araw nilang gastusin.

Masakit para kay Mandy na wala ang ina sa kanilang tabi. Nakadagdag pa rito ang pag-iwan sa kanila noon pa man ng kanilang ama na isang Austrian.

Mayaman daw ang ama nito ngunit nang malaman na abusado sa ipinagbabawal na gamot ang ina.

Walang ibang hiling si Mandy kundi ang mabuo ang kanyang pamilya. At sa kanyang ika-12 kaarawan niya, kahit paano ay nabuo sila nang mabigyan silang magkakapatid ng pagkakataong makapiling ang kanilang ina.

Ngunit, sa kanya ring kaarawan, nag-iwan muli si Mandy ng isang hiling na sana ay makilala man lang niya ang kayang ama.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel