Hashtag McCoy De Leon at Elisse Joson, ex-lovers pero di daw friends!

Hashtag McCoy De Leon at Elisse Joson, ex-lovers pero di daw friends!

- Diretsahang sinagot ng dating PBB housemates na sina McCoy De Leon at Elisse Joson na naging ex-lovers sila pero di daw sila magkaibigan ngayon

- Ito ay ang sagot nila sa katanungan kay Boy Abunda sa pagbisita nila sa TWBA, kamakailan lang

- Naging emosyonal ang dalawa sa pag-alala at pagbahagi ng kanilang mga masayang samahan

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang mga former housemates sa sikat ng Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother na sina Hashtag McCoy De Leon at Elisse Joson ay nakapanayam ng Tonight with Boy Abunda, kamakailan lang.

Dito ay spotted ng KAMI na naitanong sa kanila ni Boy Abunda kung ano ba raw ang kanilang relasyon o status ngayon.

At diretso daw itong sinagot ni Elisse na 'ex-lovers' sila ng It's Showtime Hashtag pero sa tanong naman umano tungkol sa kung magkaibigan pa daw sila at nag-uusap pa, pag-amin ni McCoy:

“Sa mga ganito lang, sa mga interviews, sa mga work…”

At ayon naman kay Elisse ay hindi pa, pero hoping naman daw siya "in time."

Gayunpaman, aminado naman ang dalawa na umaasa pa rin sila na sana maibalik ang pagkakaibigan nila kung hindi man ang kanilang relasyon.

Saad pa ni Elisse:

“Siyempre po, kasi ang ganda ng samahan namin e. He’s someone na hindi ko na makakalimutan so sayang yung pinagsamahan from before kung hindi na maibabalik.”

Dugtong naman ni McCoy:

“May pinagsamahan kami e. Naging importante siya sa buhay ko. Parang ang sakit naman sa feeling nang matapos yung trabaho namin na hindi kami okay.”

Ayon pa sa balita ng push.com.ph, sa mga past interviews daw nila ay lage umanong nababanggit ang kanilang pamilya, na tila raw may kinalaman sa kanilang paghihiwalay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel