First #Pixnoys! Filipino characters, bibida sa short film ng Pixar

First #Pixnoys! Filipino characters, bibida sa short film ng Pixar

- Proud na inanunsyo ni Bobby Rubio na siya ang writer at director ng animated short film ng Pixar na "Float"

- Ito ay pagbibidahan ng mga Pinoy characters sa kauna-unahang pagkakataon

- Sa ngayon, wala pang release date ang "Float" na tiyak na pakaabangan nating mga Pinoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwang tuwa na inanunsyo ni Bobby Rubio, isang Filipino-American na story artist ng Pixar Animation studios na siya ang magiging writer at director ng short animated film na "Float."

Ayon sa Philippine Star, ito raw ang kauna-unahang short film na ang mga karakter na gagamitin ay pawang mga Pilipino.

"It's OFFICIAL! I can finally tell you I'm the #Writer / #Director of the #Pixar #SparkShort 'Float'! I'm so proud to be a part of this program and to be among these very talented people! And I have to give a shout-out to my wonderful and talented crew, Team Float!" ang pag-aanunsyo ni Rubio sa kanyang Twitter account.

Ang "Float" ay bahagi ng Pixar SparksShorts na magbibigay ng bagong konsepto ng pagkukwento.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang ilan pang mga short films ay ipalalabas na sa Pebrero habang ang "Float" ay wala pang release date ngunit tiyak na pakaabangan nating mga Pinoy.

"I am so grateful to tell our stories. I know what it means to be underrepresented and I hope that my #Pixar #SparkShort #FLOAT will inspire more #Filipino #American stories to come! I'm going to do my best to tell MORE!” dagdag pa ni Bobby.

Si Bobby ay naging bahagi rin ng mga sumikat na Pixar films gaya ng "Up", "Tarzan" at "Treasure Planet."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Misis na gigil na gigil, pinagtawanan pa ng mister na palikero

Misis na gigil na gigil, pinagtawanan pa ng mister na palikero

Mister na babaero, pinagtawanan pa ang naghihinagpis na misis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel