Lalaking nagbenta ng kidney para makabili ng iPhone at iPad, nakaratay na lang ngayon

Lalaking nagbenta ng kidney para makabili ng iPhone at iPad, nakaratay na lang ngayon

- Walong taon na ang nakalipas nang magbenta si Wang Shangkun ng kanyang kidney para makabili umano ng iPhone at iPad

- Katwiran niya noon, di naman na niya kailangan ng isa pang kidney kaya para sa kanya di kawalan ang isa

- Sa ngayon, nagda-dialysis na siya sa edad na 25 dahil sa kidney failure

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila sising-sisi ang lalaking si Wang Shangkun dahil sa pagbebenta di umano niya ng kanyang kidney walong taon na ang nakalilipas.

Ayon sa Filipino Times, 17 pa lang noon si Wang nang ibenta niya ang kanang kidney niya noong Abril ng 2011.

Dahil dito, kumita si Wang na taga Province in East China ng AUD$4,500 o manumbas ₱170,000.

Ito ang kanyang pinambili umano ng nauuso noong iPhone 4 and iPad 2.

“Why do I need a second kidney? One is enough,” katwiran noon ni Wang.

Ngayon, walong taon ang nakalipas at siya ay 25 taong gulang na, dinaranas na niya ang mag-dialysis dahil sa kidney failure.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagkaroon daw di umano ng komplikasyon ang isa pa niyang kidney dahil sa mali at di malinis na procedure sa kanya sa pagkakatanggal pa ng isa nito.

Kaya naman lagi na lamang nakaratay si Wang at napilitan na rin siyang huminto sa pag-aaral.

Dahil naman sa sinapit na ito ni Wang, inaresto ang nasa 9 na katao, kabilang na ang mga surgeons na nakinabang sa kidney.

Nakatanggap naman ang pamilya ni Wang $300,000 na compensation dahil sa kaso.

Napag-alaman din na nakatira lamang ang pamilya ni Wang sa isa sa pinakamahirap na probinsya ng Tsina kaya marahil naisipan niyang gawin ang pagbebenta ng kidney.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Filipino celebrity couples and their adopted children

5 Filipino celebrity couples and their adopted children

5 Filipino celebrity couples and their adopted children
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel