Pamilya ng nalunod na honeymooners sa Maldives, hinihintay na lang mga labi

Pamilya ng nalunod na honeymooners sa Maldives, hinihintay na lang mga labi

-Nakahinga na ng maluwag ang pamilya ng mag-asawang nalunod sa Maldives matapos tiyakin ng DFA na sasagutin na ng gobyerno ang pagpapauwi ng mga labi ng mga ito

-Sa pakikipag-usap ng pamilya sa DFA ngayong Lunes, nagbigay ng assurance ang ahensya na gagawin ang lahat para maiuwi agad ang mga labi

-Nagpasalamat naman ang pamilya ng mga nasawi sa pag-alalay ng gobyerno sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nangako ang Department of Foreign Affairs (DFA) na sasagutin na ng gobyerno ang pagpapabalik ng mga labi ng mag-asawang nalunod sa Maldives na una nang naibalita ng KAMI.

Ito ay pagkatapos ng pakikipag-usap ng ama ni Leomer Lagradilla, isa sa nalunod, kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin ngayong Martes.

Si Locsin mismo ang nagbigay ng assurance sa pamilya sabi ng ama ni Leomer ayon sa GMA News.

"Hindi po kami pinaalis ni Secretary Boy hangga't hindi po niya pinipirmahan sa harap namin. 'Yun po ay assurance na 101% na maiuuwi po ang bangkay ng aking anak at ng aking manugang nang wala pong gastos,"

"Nagre-rely ako sa DFA na maiuuwi nila as much as possible," anito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang tiyahin ni Erika Joyce.

"In behalf of my family po, maraming maraming salamat, ngayon po ay may assurance na po kami, nakita na po namin 'yung liwanag na ilang araw, ilang gabi din kaming hindi mapakali. Ngayon po, mag-aantay na lang po kami na kung kailan po namin makikita 'yung kanilang mga labi," anito.

"Nagpapasalamat po kami sa lahat, lalong lalo na po dito sa DFA. Kung hindi po dahil sa kanila hindi pa rin po kami mapapakali dahil ilang araw na po na ang isip namin is paano po namin madadala ang bangkay ng mag-asawa dito sa atin sa 'Pinas?" Dagdag pa nito.

Sa huling update mula sa kapatid ni Leomer kasalukuyan pa ring nasa isang morge sa Dhiffushi island sa bansang Maldives ang mga labi ng mag-asawa na una nang naibalita ng KAMI.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel