Tricycle driver na kasama ang kanyang baby sa pamamasada, viral

Tricycle driver na kasama ang kanyang baby sa pamamasada, viral

-Sa programang Rated K, naitampok ang buhay ng tatay na isang tricycle driver na kasa-kasama ang anak na sanggol sa pamamasada

-Unang kumalat ang larawa ng mag-ama sa social media nang ma-spot-an sila ng isang netizen

-Maraming atensyon mula sa mga netizens ang nakuha ng istorya ng mag-ama na nag-viral online

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang viral post mula sa social media unang naibahagi ang larawan at istorya ng mag-amang si Vicente Botante at ang 11-buwang gulang na anak nito na si Rayve.

Maraming netizens ang 'di mapigilang maantig ang puso sa mag-ama.

Sa programang Rated K nakapanayam ni Korina Sanchez si Botante. Doon napag-alamang hindi na nagsasama si Botante at ang ina ni Rayve na si "Rose".

Dating construction worker si Botante sa Maynila at nang makilala si "Rose" sa pamamagitan ng text messages, umuwi siya sa Capiz na bayan nila pareho ng babae.

Doon, nagsama ang dalawa hanggang sa mabuntis si "Rose". Ngunit huli na nang malaman ni Botante na may asawa at mga anak na pala ang babaeng minahal.

Kusa naman na daw umalis si Rose at iniwan ang anak kay Botante. Dahil ayon dito, nakita niya kung gaano ito kasaya nang makita ang kanilang anak.

Ngunit dahil na rin sa kahirapan, hirap sa mag-isang pagpapalaki ng anak si Botante. Kaya naman naisasama nito ang baby sa pamamasada.

Evaporated milk lang daw ang naipapagatas niya sa anak lalo pa ta kailangan niya pang magbigay ng boundary sa may-ari ng tricycle na kanyang ipinapasada.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mabuti na lamang at kung minsan ay hindi na siya hinihingian ng operator ng tricycle ng boindary para may maibili siya ng gatas ng kanyang anak.

Nangangarap si Botante na mapagtapos niya ng pag-aaral ang anak para daw magkaroon ito ng magandang kinabukasan.

Sa tulong programa, napagkalooban si Botante ng ilang gamit para kay baby Rayve.

Nailapit rin sa Provincial Social Welfare and Development office sa Capiz ang kalagayan ng mag-ama upang mas matulungan sila.

Ayon pa sa ulat ng ReadIt, pagkatapos na mai-ere ang episode ng Rated K kung saan naitampok ang mag-ama, marami umano ang nagpa-abot ng tulong sa kanila.

Saludo ang buong KAMI kay tatay Vicente at sa mga katulad niyang magulang na kayang tiisin ang lahat para sa anak. Hinahangad ng KAMI ang kaligtasan ng mag-ama sa bawat byahe nila.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video will tickle your mind and ignite your critical thinking as the HumanMeter team test your logical thinking through the following Tricky Questions. Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, natagpuang magkayakap ang bangkay sa nasunog na bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel