Kapatid ng 1 sa OFW na newlywed na nalunod sa Maldives, emosyonal na nagkwento

Kapatid ng 1 sa OFW na newlywed na nalunod sa Maldives, emosyonal na nagkwento

-Emosyonal at mangiyak-ngiyak pa ang kapatid ng isa sa namatay na mag-asawang OFW sa Maldives

-Ayon sa pahayag nito, kumpirmadong ang kapatid at hipag niya nga ang mga nalunod batay sa pinsan nila na naroon din sa Maldives

-Sa kasalukuyan, humingi na sila ng tulong sa DFA para mapabilis ang pag-uwi ng mga labi ng mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang panayam ng Unang Hirit ngayong umaga sa kapatid ng nasawing si Leomer Lagradilla, isa sa nasawi sa pagkalunod sa Maldives, emosyonal na nagbigay ito ng ilang detalye.

Ayon kay Mhapolle Lagradilla, kinumpirma ng isa nilang pinsan na naroon din na ang kapatid nga niya at hipag ang nalunod.

Nakita mismo ng kanilang pinsan ang mga labi ng mag-asawa.

Wala pa rin umanong buong detalye na nakuha ang pamilya.

Noong Lunes, malungkot na balita ang inihataid ng Department of Foreign Affairs, kaugnay sa pagkamatay ng bagong kasal na sina Leomer at Erika Joyce Lagradilla na una nang naibalita ng KAMI.

Nasa Dhiffushi island ang mag-asawa para sa kanilang honeymoon ngunit sa kasamaang-palad ay nauwi ito sa isang trahedya habang sila ay nag-snorkeling.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kasalukuyan ay naroon pa ang mga labi ng mag-asawang OFW at nangangailangan pa nga P1.2 million para maiuwi ang mga ito na una nang naibalita ng KAMI.

Sa pamamagitan ng isang fundraising na ginawa ng mga kaibigan ng mga nasawi, humingi ng tulong nag mga ito.

Ayon naman kay Mhapolle, nangako na ang kompanya ng kanyang kapatid na sasagutin ng mga ito ang parte ng kanyang kapatid para maiuwi na sa Pinas.

Bagamat iko-comfirm pa ng pamilya ang tungkol rito.

Humingi na rin daw ng tulong ang kanilang pamilya sa DFA para mapabilis ang pag-uwi sa mga labi nina Leomer at Erika.

Taos-puso ang pakikiramay ng buong KAMI sa mga naulila ng mga nasawi.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video will tickle your mind and ignite your critical thinking as the HumanMeter team test your logical thinking through the following Tricky Questions. Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel