'Di sya nakalimot! Anak ng mangingisda, nagtapos bilang Magna cumlaude

'Di sya nakalimot! Anak ng mangingisda, nagtapos bilang Magna cumlaude

-Proud na proud ang dalaga mula sa Cebu na ibahagi ang kanyang buhay bilang anak ng isang magsasaka

-Sa kabila ng kahirapan, nagtapos ito sa kolehiyo bilang Magna cumlaude

-Payo niya para sa mga katulad daw niya, huwag hayaang maging balakid ang kahirapan bpara abutin ang mga pangarap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kapos man daw at madalas na hirap sa buhay ang pamilya ni Regine Cañete Villamejor o Rej, hindi niya hinayaang maging hadlang ito para abutin ang kanyang mga pangarap.

Ang ama ni Rej ay isang mangingisda habang ang kanyang ina naman ay tindera ng isda. Mayroon siyang dalawa pang nakababatang kapatid.

Ang kita daw ng kanilang mga magulang ay minsang sapat at minsan ay kapos lalo pa at tatlo silang nag-aaral .

Minsan ay napag-aawayan daw ng kanyang mga magulang ang mga gastos sa kanyang pag-aaral.

“My father told me one time that he wanted to sleep more but he said he had to work hard in order for me to continue my studies,” Sabi ni Rej ayon sa report ng Definitely Filipino.

Gigising daw kasi ang kanyang ama sa madaling-araw para manghuli ng isda.

“Looking back, my father would shed tears while looking at us when we were sleeping. We couldn’t even more because our house was so tiny.”

At dahil malayo ang kanyang pinag-aaralan sa kanilang bahay, kinailangan niyang tumira sa isang boarding house.

Nahirapan din daw siya na malayo sa kanyang mga magulang ngunit ang iniisip na lang niya ay ang pagsasakripisyo ng mga ito.

“Education is the only thing you can do to help us.” sabi pa ng kanyang ina.

Dahil dito, mas nagpursige siya sa kanyang pag-aaral. Para makakuha ng discount sa kanyang tuition fee, kailangang mapanatili niya ang kanyang mataas na grades sa school.

Nagtinda rin siya ng mga biskwit para makatulong.

At kapag walang pasok ay umuuwi siya sa kanila para tumulong na magtinda ng isda.

“It was at an early age that I realized how life was,” aniya. “While selling fish, I always kept telling myself that I had to finish college to help my family and my siblings.”

At dahil na rin sa kanyang tyaga, pagpupursige at pagmamahal sa pamilya, pagkatapos ng apat na taon sa kolehiyo ay nakapagtapos siya bilang Magna cumlaude.

Malaki rin ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga magulang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“As I look back at my struggles, I realize that it made me stronger. And I want to thank my parents. Whatever achievements I have, it’s because of them.”

At dahil sa ganda ng kanyang background sa pag-aaral, agad siyang nakakuha ng trabaho sa isang food manufacturer sa Cebu.

“I will save money to help my family and for my siblings’ education and, at the same time, I will save some money for myself because few years after, I would probably go back to school and pursue my master’s degree.”

“I’m not ashamed to sell the fish. My friends know about it but still they accept me for who I am! If I did not go through those challenges, wearing the toga (graduation robes) will not be worth it. We should not give up. Poverty is not a hindrance in achieving our dreams.”

“I should never forget where I came from. No matter how many achievements you have, humble yourselves and keep your feet grounded. I will always be a proud daughter of a fisherman and a fish vendor.”

Sa kasalukuyan, pursigido si Rej na mapagtapos ang kanyang dalawang kapatid bilang ganti sa suporta at sakripisyo ng kanilang mga magulang.

Source: The Epoch Time

'Di sya nakalimot! Anak ng mangingisda, nagtapos bilang Magna cumlaude

Photo source: The Epoch Time
Source: Facebook

'Di sya nakalimot! Anak ng mangingisda, nagtapos bilang Magna cumlaude

Photo source: The Epoch Time
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video will tickle your mind and ignite your critical thinking as the HumanMeter team test your logical thinking through the following Tricky Questions. Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nag-react

Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nagbigay reaksyon

Video ng wedding proposal kay Dani Barretto uploaded na at netizens, nag-react
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel