Di lang si Nicko Falcis! 5 Sikat na artistang nakaalitan ni Kris Aquino

Di lang si Nicko Falcis! 5 Sikat na artistang nakaalitan ni Kris Aquino

Isa sa may pinakamakulay na buhay sa showbiz ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Pinag-usapan ng marami ang kaniyang love life, ang kontrobersyal na buhay-politika ng kaniyang inang si Corazon Aquino at kapatid na si Noynoy Aquino, maging iba’t ibang proyektong ginawa niya sa telebisyon at pelikula.

Ngunit isa sa tunay na nagbigay ng kulay sa karera ni Kris Aquino ay ang mga nakaalitan niya noong mga nakaraang taon. Kamakailan, naging maugong ang alitan nila ng dating managing director ng Kris C. Aquino Productions (KCAP) na si Nicko Falcis na di umano’y nagbulsa ng kita mula sa kompanya ni Kris. Inabangan ng mga Pilipino ang bawat pahayag ni Kris tungkol sa mga kinasangkutang isyu, gayundin kung nagkabati pa sila o hindi na ng mga nakabangga.

Inilista ng KAMI ang ilan sa mga celebrity na nakaaway ni Kris Aquino at ang ilang detalye ng kanilang naging alitan.

PAY ATTENTION: Click “See First” under the “Following” tab to see KAMI news on your News Feed

1. Ai-ai Delas Alas

Gumulantang sa mga Pilipino ang naging tampuhan ng mag-BFF na sina Kris at Ai-ai noong 2014 nang di makadalo si Kris sa burol ng tunay na ina ni Ai-Ai. Sobrang close sina Kris at Ai-ai na naging daan pa para magsama sila sa ilang proyekto sa ABS-CBN tulad ng Pilipinas Got Talent, at MMFF entry na Sisterakas kasama si Vice Ganda.

Bago matapos ang 2014, muling nagkrus ang landas ng dating BFF sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera at magbeso-beso. Inakala nang marami na ito na ang daan para muling maging matalik na magkaibigan ang dalawa. Gayunman, nang lumipat si Ai-ai sa GMA noong 2015, sinabi niyang si Kris ay kaniya na lamang “former friend.”

2. Judy Ann Santos

Nang dahil sa isang Instagram post, nagkaroon ng maliit na hidwaan sina Kris at Judy Ann Santos. Nagpost si Juday noong Pebrero 2015 ng larawan ni dating US President Barack Obama na dumalaw sa kaniyang mga namatay na sundalo. Hindi nagustuhan ni Kris ang post ni Juday dahil tila patama ito sa kaniyang Kuya Noynoy, ang pangulo ng Pilipinas ng mga panahong iyon, na hindi dumalo sa arrival honors ng napatay na SAF 44 sa Maguindanao. Naging dahilan ito upang i-unfollow ni Kris si Juday.

Ngunit ilang araw matapos ang tampo ni Kris, sinabi niya sa defunct TV show niyang Aquino and Abunda Tonight na matapos magdasal at magsimba, tinext niya si Juday upang humingi ng tawad. Finallow din agad ni Kris si Juday noong araw na iyon.

PAY ATTENTION: Using free basic apps to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

3. Ruffa Gutierrez

Lipatan naman ng network ang naging ugat ng tampuhan nina Kris at beauty queen-turned-host na si Ruffa Gutierrez. Talagang pinag-usapan ang naging away nila dahil nasaksihan ito ng mga viewers on-air! Kapuwa noon host ng defunct talk show na “The Buzz” sina Kris at Ruffa. Habang emosyonal na nagpapaalam si Ruffa sa kanilang viewers at mga nakatrabaho sa ABS-CBN dahil sa takdang paglipat nito sa TV5, nasaktan daw ang aktres nang magsalita si Kris at parang pinariringgan siya na walang manonood sa kaniya sa TV5. Dinamdam ni Ruffa ang sinabi ni Kris na seventy percent ng mga tao ay nakikita siya sa The Buzz. On air, sinagot ni Ruffa si Kris na huwag nang ipamukha sa kaniya ni Kris ang bagay na iyon.

Kalaunan, nanghingi rin ng paumanhin si Kris kay Ruffa na agad namang tinanggap ng aktres, sunod na rin sa payo ng kaniyang inang si Annabelle Rama. Nang makalipat na sa TV5, sumali si Ruffa sa katapat na talk show ng The Buzz sa TV5, ang “Paparazzi.”

4. James Yap

Isa rin sa naging controversial celebrity couples sina Kris at basketbolistang si James Yap. Ikinasal ang dalawa noong 2005 at nagbunga ang pagsasama nila, si Bimby. Ngunit matapos ang limang taon, naghiwalay ang dalawa. Ayon kay Kris, matagal rin nilang sinubukan na maging maayos ang kanilang pagsasama ngunit sumuko rin daw siya.

Matapos maghiwalay, sinubukan ng dalawa na maging maayos ang ugnayan kahit hiwalay na para sa kanilang anak na si Bimby. Ngunit hindi rin naging maganda ang relasyon nila bilang “magkaibigan.” Noong 2018, hindi ikinatuwa ni Kris ang naging mensahe ni James para sa kaarawan ng kanilang anak dahil pinamumukha raw ni James ni hindi siya mabuting ina. Nagsunod-sunod ang patutsada ni Kris kay James sa Instagram patungkol sa pagiging ama ni James kay Bimby.

5. Mocha Uson

Politka naman ang naging ugat ng alitan nina Kris at dating PCOO Assistant Secretary na si Mocha Uson. Noong Hunyo 2018, nag-post si Mocha, kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, ng isang video ni Ninoy Aquino—ama ni Kris—na hinahalikan ng dalawang babae. Pinost ito ni Mocha bilang depensa nang ulanin ng puna ang ginawang paghalik ni Pangulong Duterte sa isang babae sa South Korea.

Hindi nagustuhan ni Kris ang ginawa ni Mocha. Idinaan ng Queen of All Media ang kaniyang galit sa isang Instagram post kung saan sinabi nitong binabalahura umano ni Mocha ang pangalan ng kaniyang mga yumaong magulang.

Sinagot naman ni Mocha si Kris sa pamamagitan ng isang video sa kaniyang blog at sinabing, “This is not about Kris Aquino. Tungkol ito sa paglagay ng malisya sa isang halik…”

POPULAR: Read more news about Kris Aquino!

Enjoyed reading our story? Download KAMI’s news app on Google Play now and stay-up-to-date with major Filipino news!

This video will tickle your mind and ignite your critical thinking as the HumanMeter team test your logical thinking through the following Tricky Questions. Check out our videos– on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Controversial chef's victims surface, reveal nasty messages he sent to them

More victims of controversial chef surface, reveal lewd messages he sent to them

Controversial chef's victims surface, reveal nasty messages he sent to them
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel