Hindi natanggap! Babae, tinaga ng manliligaw dahil tinanggihan ang kanyang 'proposal' magpakasal

Hindi natanggap! Babae, tinaga ng manliligaw dahil tinanggihan ang kanyang 'proposal' magpakasal

- Isang babae ang isinugod sa ospital dahil tinaga siya ng kanyang manliligaw

- Nag-propose ang lalake at dahil ito'y tinanggihan ng babae, nagalit siya at tinaga ang dalaga

- Bagamat ligtas, may natamong sugat sa braso, likod at kamay ang dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang di kanais-nais na kaganapan ang nangyari sa Butuan pagkatapos nagalit ang isang manliligaw sa kanyang nililigawan.

Nalaman ng KAMI na si Jenny "Johnny" Cojo, 46, ay nanliligaw kay Jeany Maputi.

Linggo ng gabi nang puntahan ni Johnny ang bahay ni Jeany upang umakyat ng ligaw.

Di lang iyon ang naging hangarin ni Johnny dahil nag-propose din siya kay Jeany na hindi naman tinanggap ng huli.

Ayon sa report ng ABS-CBN, batay sa nakalap na impormasyon ng mga pulis, dahil wala naman silang relasyon, natural, di sila maaaring magpakasal.

"Accordingly nag-propose na daw 'yung suspek sa biktima na kung pwede daw pakasalan siya and of course wala naman silang relationship, tinanggihan ng biktima ang suspek doon po siya tinaga, doon po nagalit ang suspek," sabi ni Sr. Insp. Henry Samillano Jr.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakainom ng alak si Johnny nang gawin niya iyon at sabi pa niya, nagselos daw siya sa ka textmate ng biktima.

Hindi natanggap! Babae, tinaga ng manliligaw dahil tinanggihan ang kanyang 'proposal' magpakasal

Hindi natanggap! Babae, tinaga ng manliligaw dahil tinanggihan ang kanyang 'proposal' magpakasal (Photo: pxhere)
Source: Facebook

Ligtas naman si Jeany pero nagtamo siya ng mga sugat sa braso, likod at kamay.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Care for some "pampa-good vibes"? Watch our Ariana Breathin Low-Budget Parody | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Another story of infidelity earns viral thrashing

Another story of infidelity earns viral thrashing

Man who chose new lover over his family earns online backlash
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel