Groom na umatras 1 buwan bago ang kasal, rumesbak kay ex

Groom na umatras 1 buwan bago ang kasal, rumesbak kay ex

-Hindi na umano makayanan ng lalaking inirereklamo ang mga pangba-bash sa kanya ng netizens maging ng pamilya ng kanyang ex-GF

-Kaya naman pinagharap sila ni Raffy Tulfo upang mas maliwanagan na ang dalawa

-Ngunit naging mainit ang kanilang komprontasyon! Giit ni girl, mama's boy si lalaki kaya 'di sila magkaintindihan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mainit ang naging komprontasyon ng inire-reklamong si Melvin Tamayo at ng dating nobya na si Mary Rose Besmonte.

Una nang naibalita ng KAMI ang pagdulog ni Mary Rose sa programang Raffy Tulfo in Action upang humingin ng tulong na makausap si Melvin na 'di umano siya kinakausap.

Isang buwan na lang kasi bago ang kanilang nakatakdang kasal, nag-back out si Melvin dahil daw sa 'mood' ni Mary Rose.

Hindi umano ito matanggap ni Mary Rose at sinabi pang mababaw na dahilan lang ito para umatras ito sa kasal.

Pagkatapos umere ng kanilang istorya, marami na umano ang nang-bash kay Melvin. Hindi na rin umano siya makalabas ng bahay.

Kaya naman minabuti niyang dumulog sa programa para ipaalam ang kanyang panig.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mayroon na rin umanong mga banta sa kanyang buhay.

Itinaggi rin nito ang mga alegasyon sa kanya. Sa halip ang dating nobya at ang pamilya daw nito ay maaari niyang kasuhan dahil sa paninira sa kanya. Idinamay pa umano ng kampo ni Mary Rose ang kanyang ina.

Depensa ni Mary Rose, hindi sila naninira. Sabi pa nito, nagtatago sa saya ng kanyang ina si Melvin.

Samantala, sinubukan pa silang pag-ayusin ni idol Raffy ngunit parehong umayaw na ang dalawang kampo.

Sa huli, nagpasya na lang ang dalawa na mag-kwentahan ng kanilang mga ginastos sa dapat sana'y kasal nila.

Parehong OFW ang dalawa sa Taiwan at nahuli lang ng uwi si Mary Rose na nagmadali pa daw umuwi sa Pinas.

Pero mukhang 'di pa doon natapos ang sagutan ng dalawa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features tricky yet quirky questions for Christmas, in which you will find a lot of Christmas singing and joyous laughing! This Christmas edition of Tricky Question is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel