Sinasabing pagbabanta ni Kris Aquino sa buhay ni Nicko Falcis, may audio recording daw

Sinasabing pagbabanta ni Kris Aquino sa buhay ni Nicko Falcis, may audio recording daw

- Nakuhanan diumano ng audio recording ang sinasabing pagbabanta ni Kris Aquino kay Nicko Falcis

- Idinetalye ng businessman ang eksaktong conversation daw nila ng aktres

- Kumakalat na din diumano ang recording ng kanilang pag uusap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kumakalat na diumano sa social media ang kopya ng audio recording kung saan maririnig daw si Kris Aquino na pinagbabantaan ang buhay ni Nicko Falcis.

Nalaman ng KAMI na patuloy ang paglabas ng mga personal na impormasyon tungkol sa dalawa kasunod na rin ng mainit nilang banggaan.

Una nang kinasuhan ni Kris si Nicko ng 44 counts of Qualified Theft dahil sa diumano’y pagnanakaw nito ng milyon-milyon sa Queen of All Media.

Simula nang inakusahan, sunod-sunod na ang naging pagdepensa ng dating business partner ng aktres at sinabi pang walang basehan ang ibinibintang sa kaniya.

Sa ulat ng PEP.ph, galit na galit daw ang isang babae sa nasabing audio recording at ka-boses daw ito ni Kris.

Nauna nang ibinunyag ni Nicko sa pamamagitan ng personal statement ang batuhan nila ng linya ng aktres gamit ang telepono.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kanilang diumano’y conversation:

"On September 27, 2018, Ms Aquino asked me to call her while I was away. Our conversation went roughly as follows:

NMF: Madam… hello

KCA: "You f*cking as*hole Nicko, okay. NO!"

NMF: Madam…

KCA: "HWAG ka nang bumalik sa Pilipinas, nadinig mo, NO, hwag ka, PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO, you know what, you know what’s wrong with me??? MAY LUPUS AKO, NICKO!!!" (Shouting)

NMF: Oh My God…Madam… Madam… (Crying)

KCA: "That’s why… GUSTO MONG BUMALIK SA PILIPINAS? DARE TO STEP IN THIS COUNTRY, AND YOU WILL BE DEAD. (Shouting)."

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang dating “Feng Sui” star tungkol sa sinasabing audio recording.

Bukas ang KAMI sa kahit ano mang paglilinaw na manggagaling sa magkabilang kampo.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, hinamon ng Queen of All Media ang kaniyang dating business partner tungkol sa 44 counts of Theft na inihain niya.

Si Kris Aquino ay isa sa mga pinakapinag-uusapang celebrities sa bansa. Nagdesisyon siyang umalis sa ABS-CBN ilang taon na ang nakalilipas at nag focus muna sa kaniyang mga anak.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

A random man (played by our actor Roi) is asking people to help him with transportation money and seems like no one believes him or cares about his trouble. But then we met Tatay Kariton who counts every peso and he did a really touching thing – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt

Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel