Sharon Cuneta, confident daw na magkakatuluyan sina KC Concepcion at French beau

Sharon Cuneta, confident daw na magkakatuluyan sina KC Concepcion at French beau

-Bungad pa sa balita, kumpiyansa daw si Sharon Cuneta na magkakatuluyan ang kanyang eldest na si KC Concepcion at ang French beau na si Pierre Emmanuel Plassart

- Pahayag pa umano ng 53-year-old Megastar, mukha naman daw na magkakatuluyan ang dalawa pero kahit pa anong mangyari raw ay Kapamilya na ang turing nila kay Pierre

- Maganda raw ang impluwensiya ng 36-year-old French filmmaker sa 33-year-old niyang panganay

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa Instagram account ni Megastar Sharon Cuneta ay ibinahagi umano nito ang tungkol sa relasyon ng panganay na anak na si KC Concepcions a French filmmaker beau na si Pierre Emmanuel Plassart.

January 13 raw ay nag-live sa kanyang page si Sharon at dito ay puring-puri umano ang huli sa 36-year-old French filmmaker beau ng kanyang 33-year-old panganay dahil sa pagiging magandang impluwensiya daw nito, ayon pa sa nalaman ng KAMI.

Ani pa ng PEP, nagbigay umano ng pahayag si Sharon sa relasyon nila ni KC at sa relasyon nito sa French beau na si Pierre.

Saad daw ni Megastar:

“KC and I are perfectly fine. I love my baby girl so much. Pierre has been such a great man and influence to KC and he’s really part of the family.Whether magkatuluyan sila o hindi, he’s already part of our family na.”

Ngunit, sa pakiwari umano ni Sharon ay magkakatuluyan daw naman ang dalawa.

Sabi pa umano ng Mega, sabay tawa na tila umano kinikilig:

“Pero feeling ko, mukha naman…”

Patuloy pa na pagbahagi ni Sharon:

“Nagbalikan kasi kaya they realized how much they missed each other.”

Last August 2018, nagbahagi ng larawan si KC Concepcion kasama ang kanyang French beau na si Pierre.

At Setyembre sa parehong taon, ikinuwento umano ni Sharon sa Magandang Buhay na nag-break daw sina KC at Pierre noon, mga limang taon na raw ang nakalilipas dahil sa kanilang LDR o long distance relationship.

Gayunpaman, nagdiwang sa Pilipinas si Pierre ng Pasko at New Year kasama ang pamilya ni KC

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ogie Alcasid’s epic reaction while son Nate was discussing about universe goes viral

Ogie Alcasid’s epic reaction while son Nate was discussing about universe goes viral

Ogie Alcasid’s epic reaction while son Nate was discussing about universe goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel