Pinay OFW sa Canada, wagi ng manumbas 2 bilyong piso sa lotto

Pinay OFW sa Canada, wagi ng manumbas 2 bilyong piso sa lotto

- Mapalad si Michelle De Roma, isang OFW sa Canada na nagwagi ng $39.5 million sa lotto o manmbas 2 bilyong piso

- Disyembre 26 nang tayaan niya ang machine generated "lucky pick" numbers para sa draw ng Diyembre 28 kung kailan siya nanalo

- Tiyak na magbabago raw ang buhay nina Michelle ngunit titiyakin niya na para ito sa ikabubuti ng kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maswerteng natapos ang taon ng Pinay OFW na si Michelle De Roma dahil sa pagkakapanalo niya ng halos 2 bilyong piso sa lotto sa Canada.

Ayon sa OFW Tambayan, Disymbre 28 ng nakaraang taon nang bumulaga sa kanya ang surpresang panalo na di niya talaga inaasahan.

Nalaman ng KAMI na namimili lamang daw si Michelle noong Disyembre 26 sa Tsawwassen Mills outlet mall nang maisipan niyang tumaya sa lotto.

Aminado naman siyang lingguhan siya tumaya. 'Lucky pick' pa nga ang pitong numero na kombinasyon na kanyang tinayaan o machine generated dahil wala umano siyang inaalagaang numero.

Pinay OFW sa Canada, wagi ng manumbas 2 bilyong piso sa lotto

source: OFW Tambayan
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang malaman ni Michelle na wagi siya ng jackpot noong Diyembre 28, di niya agad kinuha ang premyo. Bagkus, kinausap niya ang asawa ay itinago sa envelope ang winning ticket at makalipas ang isang linggo, saka lamang niya ito kinuha.

Tiyak na magbabago raw ang buhay ni Michelle at kanyang asawa at tatlong anak, ngunit sisiguraduhin niya na para raw ito sa kanilang ikabubuti.

Pinay OFW sa Canada, wagi ng manumbas 2 bilyong piso sa lotto

source: OFW Tambayan
Source: Facebook

Balak niyang bumisita sa Roma para mag-tour lalo na sa St. Peter's Basilica. Naniniwala kasi si Michelle na isa talagang malaking milagro ang naganap sa kanilang buhay at pinagpapasalamat niya ito sa Diyos.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel