Fans, nagulantang at nabahala sa tweet ni ex-PBB housemate Loisa Andalio

Fans, nagulantang at nabahala sa tweet ni ex-PBB housemate Loisa Andalio

- Malaking usap-usapan ngayon ang tungkol sa autoimmune disease lalong lalo na't ang isa sa pinakakilalang pangalan sa showbiz na si Kris Aquino ay isiniwalat ang tungkol dito

- Kaugnay rito, ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Loisa Andalio ay ginulantang ang mga fans niya nang nagtweet ito tungkol sa isang klaseng sakit na ito

- Nagtweet ang magandang dalaga na kasama sa The General's Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin sa Kapamilay network tungkol sa alopecia na talaga namang kinabahala ng fans

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ng KAMI ang isang tweet ng dating mga housemates sa Bahay ni Kuya sa PBB house na ngayon ay makakasama ng mga bigating mga actor at actress sa The General's Daughter na si Loisa Andalio.

Ang naturang tweet ay una naming naispatan sa balita ng push.com.ph na nag-aalala rin dahil sa isang klaseng autoimmune disease na binaggit ng dalaga.

Nagulantang at nabahala nga ang mga fans ni Loisa Andalio nang magtweet ito tungkol sa sakit na alopecia.

Ibinahagi ng 19-year-old actress ang isang kahulugan ng naturang autoimmune disease na nakuha nya sya sa Wikipedia.

Dahil dito ay bumuhos ang mga nag-alalang fans sa kanyang tweet.

"Lagi ka kasing stressed bebe. Tapos mahina siguro immune system mo kaya sakitin ka. Wag ka kasing masyadong magpupuyat. Pag walang ganap itulog na lang."
"Kaya ba hindi ka pa kamo pwede magiba hairstyle at magpakulay ng buhok? Health is wealth love, grab mo every chance na makakapagpahinga ka. Pag wala ganap magpahinga agad. Wag na masyado magpuyat sa ML. Not sure pero nagkaspot baldness na rin si meme vice."
"Pahinga k bebe pg walang ganap iwas stress muna kain k ng healthy foods..stay strong mahal ka nmin."
"Pray and laban lang. Maraming nagmamahal sa iyo. Isama mo pa c @iamr2alonte ang family mo, ang mga fur babies mo and syempre kaming LoiNies na LoiYals sa iyo."
"Loisa, huwag papastress masyado. Mahal ka namin!"

Isang netizen naman ang nakarelate kay Loisa Andalio at nagbahagi rin ng kanyang sariling experience o dinanas.

Ani nito:

"Alopecia is an autoimmune disease. In my case, my immune system, atacked my healthy cells sa left knee. In Alopecia patient's case, hair follicles are attacked kaya nagkakaHair loss or spot baldness. If one has an Auto immune disease, live a healthy lifestyle.Avoid stress."

At may mahalaga pa siyang pahabol na payo:

"Avoid toxic people or environment. Eat healthy foods. Seek help from doctors/specialsts. Undergo therapy. Do not self-medicate. Do not always trust GOOGLE posts about certain medications. And of course, PRAY. It helps."

Si Josefina Loisa Francisco Andalio na mas kilala ngayon bilang si Loisa Andalio ay ang nakilalang 'Talented Darling ng Parañaque' sa 5th season sa sikat na Bahay ni Kuya ang Pinoy Big Brother, Pinoy Big Brother: All In edition.

POPULAR: Read more news about Loisa Andalio here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, tricky questions.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, nagbigay ng huling update tungkol sa kaso niya laban kay Nicko Falcis

Kris Aquino, nagbigay ng huling update tungkol sa kaso niya laban kay Nicko Falcis

Kris Aquino, nagbigay ng huling update sa kaso niya laban kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel