Lalo Pang Yayaman! Neri Miranda, ipinasilip na ang kaniyang bagong bonggang business

Lalo Pang Yayaman! Neri Miranda, ipinasilip na ang kaniyang bagong bonggang business

- Ipinasilip ni Neri Miranda ang gate ng kaniyang bubuksang restaurant na tinawag niyang “Neri’s Not So Secret Garden

- Ibinida ni Neri ang mga dapat abangan, kabilang na ang mga pagkain at activities na maaaring gawin sa bagong tambayan sa South

- Magiging extension daw ng kanilang kusina ang restaurant dahil napakalapit lang nito sa kanilang bahay

PAY ATTENTION: Click “See First” under the “Following” tab to see KAMI news on your News Feed

Patuloy ang pagbibigay ng detalye ng actress-turned-businesswoman na si Neri Miranda sa kaniyang bagong restaurant, ang Neri’s Not So Secret Garden. Spotted ng KAMI ang bagong Instagram post ni Neri na ipinakikita ang gate patungo sa kaniyang not so secret garden na kung tawagin niya ay “bagong tambayan sa South.”

Ibinahagi ni Neri sa nasabing Instagram post ang dapat abangan ng mga future customers ng kaniyang bagong restaurant sa Tagaytay, kabilang na ang mga pagkain at mga maaaring gawin sa kaniyang bagong kainan. Ayon kay Neri, tiyak na magugustuhan ng kanilang customers ang kanilang homemade meals, comfort food, kape, at cakes. Maglalagay din daw ng maliit na library at small play area para sa mga kasamang toddlers ng kanilang mga future parokyano.

PAY ATTENTION: Using free basic apps to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakadagdag pa sa pagkasabik ng ilang netizen ang sinabi ni Neri na tiyak na mapadadalas ang pagdalaw nila ng asawang si Chito Miranda sa nasabing restaurant dahil dalawang minuto lamang ang layo nito sa kanilang bahay. Biro pa ni Neri, ang restaurant na raw ang extension ng kaniyang kitchen at dito na rin daw sila madalas kakain na buong mag-anak.

Kamakailan lamang, nagbigay rin ng pasilip si Neri sa progress ng kaniyang itinatayong bagong negosyo. Ibinida noon ni Neri na tanaw mula sa not so secret garden ni Neri ang Taal lake, gayundin na magiging isang cool tambayan ang kaniyang garden-restaurant dahil sa iba’t ibang tanim na halaman doon.

Liban sa nakatakdang pagbubukas ng bagong restaurant, abala rin si Neri Miranda sa kaniyang iba pang negosyo, kabilang na ang Neri’s Ukay at Neri’s Bakeshop.

Sa nakaraang report ng KAMI, kinilig si Neri nang malamang kilala siya at fina-follow pa ng beternang aktres na si Coney Reyes.

Si Neri Miranda ay dating kalahok sa ABS-CBN reality show na Star Circle Quest. Napangasawa niya ang bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda noong 2014. Simula nang ipanganak niya si Miggy, iniwan na niya ang pag-aartista at nag-focus sa negosyo at pagba-blog.

POPULAR: Read more news about Neri Miranda!

Enjoyed reading our story? Download KAMI’s news app on Google Play now and stay-up-to-date with major Filipino news!

In this social experiment, we dropped a wallet several times in Quiapo and Cubao to check whether the people in those places would return it. Spoiler: This video will actually restore your faith in humanity – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel