Sanggol, ipinanganak na may leukemia, malapit na dalhin at mapagamot sa US

Sanggol, ipinanganak na may leukemia, malapit na dalhin at mapagamot sa US

- Isang bagong panganak na sanggol ang may sakit na leukemia

- Kinailangan ng tulong ng mga magulang ng bata upang maipadala sa ibang bansa para mapagamot si Baby Sevy

- Agad namang tumulong ang DFA sa pagkuha ng passport nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging malaking tulong ang social media sa magulang ng isang bagong panganak na sanggol na mayroong leukemia sa Manila Doctors Hospital. Nalaman ng KAMI sa Inquirer na tumulong ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang mabigyan ng passport si Baby Sevy.

Ayon sa Facebook post noong January 7, kinailangan ng pamilya ng tulong upang makakuha ng passport para kay Baby Sevy upang makalipad papuntang St. Jude Research Hospital sa United States.

Hirap makakuha ng passport ang mga magulang dahil hindi nila puwedeng dalhin ang sanggol sa mismong opisina ng DFA dahil may naka-konekta sa kanyang machine para sa IV drip at blood transfusion. Bukod dito, wala pang official birth certificate ang sanggol dahil inaasikaso pa ito sa Manila City Hall.

Agad namang nagkomento si Assistant Secretary Elmer Cato a post at nakipag-ugnayan sa magulang ng bata. Nagpadala ng consular team ang DFA sa ospital upang ma-proseso ang passport ni Baby Sevy.

Ibinahagi naman ni Asec. Cato sa social media na nabigay na nila ang passport ni Baby Sevy matapos lamang ang ilang araw. Kasalukuyang naghihintay na lang ng visa ang pamilya upang makalipad na papuntang St. Jude’s Cancer Research Center sa Memphis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Malaki rin ang naging pasasalamat ng magulang ni Baby Sevy sa naging tulong ng DFA, Asec. Cato at Sec. Teddy Locsin Jr.

Sa ngayon ay humihingi rin ng tulong ang pamilya sa Philippine Airlines, Delta Air Lines at iba pang airline upang magawan ng aksyon ang paglipad ni Baby Sevy sa ibang bansa kasama ang mga machine na kailangan nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen and Claudine divulged they're not invited to their niece Dani's wedding

Gretchen and Claudine divulged they're not invited to their niece Dani's wedding

Gretchen and Claudine reveal they're not invited to Dani Barretto's wedding
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel