Mga passport data, nawala; DFA chief Locsin, sinisisi ang mga ‘yellow’

Mga passport data, nawala; DFA chief Locsin, sinisisi ang mga ‘yellow’

- Nabalita ang pagkawala ng passport data ng DFA

- Sinisi naman ni DFA Sec. Teddy Locsin Jr. ang mga ‘yellow’ dito

- Nagsalita na rin ang Palasyo ukol sa issue na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Unang kumalat ang balita na ilang mga impormasyon o passport data sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang nawala nang i-terminate ang kontrata ng contractor na naka-assign dito. Nalaman ng KAMI na para kay DFA Sec. Teddy Locsin Jr. ay ang mga “Yellows” umano ang may kasalanan nito.

Ayon sa balita ng Rappler, tila sunod-sunod ang mga tweet ng DFA chief sa pagsabi na ang mga “yellow” ang nasa likod ng pagkawala ng passport data. Yellow o dilaw ang kulay ng Liberal Party.

“Here's a hint. Yellow people were involved but also green people prior and who knows what other color,” giit ni Sec. Locsin.

Dagdag niya pa na isang “yellow woman” ang nasa likod ng gulo na ito ay guilty umano ang mga “yellow” sa insidenteng ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil sa pagkawala ng mga ilang impormasyon ay inoobliga ng DFA ang mga mag-rerenew ng passport na magdala ng kanilang birth certificate.

Subalit, naibalita naman ng Manila Bulletin na tutol ang Palasyo sa sinabi ng DFA ukol sa pagdadala ng birth certificate.

“Applicants should not be burdened by submitting original copies of their certificates of live birth, obtaining which requires another application process before the Philippine Statistics Authority, to renew their passports just because the producer lost their relevant data,” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

“The submission of the old or current passport which the applicant seeks to renew should suffice for the purpose. The ongoing practice is not only cumbersome to everyone affected but is a form of red tape which this administration frowns upon and will not tolerate,” dagdag niya pa.

Giit naman ng DFA Chief na wala silang umanong nagawa kasi sila ang nasamali pero sisiguraduhin nilang hindi na raw ito mauulit.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Several times dropped the wallet in Quiapo (district considered quite dangerous) and Cubao (district considered quite prosperous) and checked where people would return it. In one case a person returned the wallet to the wrong person, who... took it. Check out where it happened (and get surprised) – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close ni Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel