Guro, inireklamo matapos umanong kaladkarin ang estudyanteng may autism

Guro, inireklamo matapos umanong kaladkarin ang estudyanteng may autism

-Inireklamo ang isang babaeng guro matapos itong akusahan ng pananakit sa isang 9-anyos na batang may autism

-Sa isang facebook post, ibinahagi ng ina ng bata ang mga videos kung nakuhanan ang guro habang kinakaladkad ang kanyang anak

-Mariin naman itong itinanggi ng inaakusahang guro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa mga kuha ng CCTV sa isang paaralan sa Kentucky, kitang-kita ang isang babae habang kinakaladkad ang isang batang lalaki na may autism.

Sa pag-iimbestiga ng Kentucky police, ang guro ay kinilalang si Trina Abrams na mariing itinaggi nito.

Ayon sa ulat, inireklamo ito sa kasong Assault 4th Degree dahil 9-anyos lamang ang biktima.

Samantala, noong nakaraang Lunes, ipinahayag ng Greenup County School District na mayroon silang tinanggal na guro mula sa serbisyo ngunit 'di naman ito pinangalanan.

"The teacher was removed from the school and a formal investigation was conducted," ayon kay Superintendent Sherry Horsley sa isang pahayag sa WSAZ.

"The superintendent also followed protocol and reported the incident to the Kentucky Education (Professional) Standards Board." dagdag nito.

Samantala, ayon naman kay Matthew Wisecup, abogado ng guro, inosente ang kanyang kliyente at ilalaban ang kaso.

Ayon sa nanay ng bata na si Angel Nelson inilabas sa classroom ang bata matapos itong magwala.

Abg bata ay na-diagnosed na mayroong autism, ADHD, PTSD, anxiety and depression. Bukod rito, limitado lamang ang pananalita nito.

"He's trying to adapt and make friends," sabi pa ni Nelson."He was not hurting anyone,"

Sa kwento ng bata, nagalit umano ang guro dahil gusto nang magpahinga ng bata ngunit mayroon pa itong pinapagawa dito.

Dinaklot umano ng guro sa pulso ang bata at binaluktot pa ito.

Sa isang facebook post, ibinahagi ni Nelson ang mga kuha ng CCTV habang kinakaladkad umano ni Abrams ang kanyang anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit ang kuha umano sa loob ng classroom kung saan dinala ang kanyang anak ay hindi nakuahanan.

"We will never truly know what took place behind that closed door because of my son's speech limitations," sabi ni Nelson sa isang FB post.

"This incident was violent enough to not only injure my child, but to also destroy his shoes." ani pa nito.

Sa parehong araw kung kailan kinaladkad ang kanyang anak, pina-x-ray niya umano ito at MRI.

"The doctor diagnosed him with a possible left wrist fracture,"

"He had a confirmed sprain in one of his wrists," ayon pa kay Nelson. "In the days following, he suffered swelling and bruising around his wrist."

Hindi lang umano trauma kundi pinaramdam pa umano ng guro sa kanyang anak na iba ito.

"She made him feel different,"

"Teachers are supposed to stop the bullying," anito, "not be the bullies."

Source: CNN, Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features tricky yet quirky questions for Christmas, in which you will find a lot of Christmas singing and joyous laughing! This Christmas edition of Tricky Question is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close ni Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel