2 batang ikinandado ng ina sa bahay, iniwan para makautang ng pamasko sa kanila

2 batang ikinandado ng ina sa bahay, iniwan para makautang ng pamasko sa kanila

- Nagviral ang post ng netizen at kagawad ng lugar na si na si Brooks Lozano noong bisperas ng pasko kung saan nasagip ang dalawang batang ikinandado ng ina sa bahay

- Napag-alaman na 'special' pala ang isa sa mga bata at di ang ina ang nagkandado sa mga ito kundi ang mas nakatatandang kapatid na pinag-iwanan ng ina

- Nilinaw din ng ina na ilang oras lamang niya iniwan ang bata at hindi ilang araw gaya ng sinasabi ng kanilang mga kapitbahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Na-rescue ng barangay ang magkapatid na Jasmine, 12 anyos at Princess, limang taong gulang sa kanila mismong bahay dahil sa ikinanadado di umano sila roon at umalis ang kanilang ina.

Agaw eksena ang Facebook live ni Kagawad Brooks Lozano ng barangay Canelar, ZAmboanga city kung saan pinakita ang nadatnan nilang kalunos lunos na kalagayan ng magkapatid.

Bagaman at bukas ang bintana ng barong barong na kinaroroonan ng mga bata, kinailangang sirain ng kagawad ang kandado ng bahay upang tuluyang ma-rescue ang mga bata.

Sadyang nakakadurog daw talaga ng puso ang pangyayari dahil sa naganap ito sa mismong bisperas ng pasko.

Nang masagip ang mga bata, mga pulis na ang nagdala sa kanila sa Office of the city social welfare and development.

Nilinisan, pinaliguan at pinakain ang mga walang kamalay-malay na mga bata sa kung ano ang nangyayari sa kanila.

Kaya naman laking gulat ng ina nang makitang wala ang mga anak sa kanilang bahay. Sinubukan pa niyang pauwiin ang bago nitong kinakasama upang hanapin ang mga bata ngunit sa kasamaang palad ay wala naman itong pamasahe pauwi.

Ayon sa Programang Rated K na siyang nakapanayam ni Yolanda Archea, ina ng bata, may trabaho naman siya bilang masahista ngunit dahil sa lagi itong absent sa trabaho, sinabak ito ilang araw bago magpasko.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, napilitang umalis ang mag-asawa upang mangutang ng ₱500 pandagdag pamasko nila. Ibinilin ni Yolanda sa panganay na anak niyang Lyka na 16 na taong gulang na ang mga kapatid. Ngunit, lumabas din pala ito pagkalabas ng mga magulang at siya pala ang nagkandado sa mga kapatid.

Samantala, binalik pa rin ng OCWD ang mga bata sa ina kahit pa marami ang nadismaya. Paliwanag ng OCWD, attached ang mga bata sa ina nang muli nila itong nakita. Wala silang nakitang anumang bahid ng takot dito bagkus nanabik pa at tumakbo papalapit dito.

Dagdag pa ng OCWD, di raw maituturing na pag-abandona ito gayung bumalik ang ina tatlo o sabihin nang apat na oras lamang. Isa pa, di siya mismo ang nagkandado sa mga ito.

Dahil sa nangyari, imbis na husgahan pa lalo ang ina ng mga bata, umulan ng tulong sa mga ito gaya ng pagbibigay ng ikabubuhay na maliit ng tindahan para kay Yolanda mula sa barangay Canelar.

Patuloy na nangangalap pa rin ang ABS-CBN sa sinuman ang nais magpaabot ng tulong sa mag-anak nina Yolanda.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Beautiful, fab, and talented! Lucy Torres at KC Concepcion, nahihilig sa parehong bagay

Beautiful, fab, and talented! Lucy Torres at KC Concepcion, nahihilig sa parehong bagay

Beautiful, fab, and talented! Lucy Torres at KC Concepcion, may parehong hilig
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel