Iba talaga! Piolo Pascual, pinag-aral ang anak ng nag-viral na 'ulirang ama'

Iba talaga! Piolo Pascual, pinag-aral ang anak ng nag-viral na 'ulirang ama'

- Lalong hinangaan ng karamihan si Piolo Pascual

- Ito ay matapos nabunyag ang ilan sa mga mabubuting nagawa niya na lingid sa kaalaman ng marami

- Kabilang nga sa kanyang natulungan ay ang mag-aamang nag-viral sa isang fast food restaurant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis labis ang pasasalamat ng ulirang ama na nag viral sa aktor na si Piolo Pascual. Matatandaang ipinalabas sa programang "Maalaala Mo Kaya" ang kuwento ng binansagang "selfless father" na si Ryan Arebuabo noong 2017.

Siya ang amang nag viral sa social media matapos makitang nakatingin lamang siya sa kanyang anak na kumakain.

Marami ang naantig sa litratong iyon gayundin ang pagganap ni Piolo Pascual sa kwento ng buhay nito.

Pero hindi natapos sa "Maalaala Mo Kaya" ang ugnayan nina Pascual at Arebuabo dahil sinagot na ni Pascual ang pag-aaral ng mga anak ni Arebuabo mula noon hanggang sa tumungtong daw ang mga ito sa kolehiyo.

Binigyan din niya ng kaunting pangkabuhayan si Arebuabo.

Si Piolo Pascual ay nakilala bilang ultimate leading man ng Philippine showbiz. Ilan sa kanyang naging leading ladies sa pelikula ay sina Judy Ann Santos, Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Angel Locsin at marami pang iba.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, nagbigay ng huling update sa kaso niya laban kay Nicko Falcis

Kris Aquino, nagbigay ng huling update tungkol sa kaso niya laban kay Nicko Falcis

Kris Aquino, nagbigay ng huling update sa kaso niya laban kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel