Nanay na iniwan ang baby para makapanood ng live sa Wowowin, pinauwi ni Willie Revillame

Nanay na iniwan ang baby para makapanood ng live sa Wowowin, pinauwi ni Willie Revillame

- Nadismaya si Willie Revillame dahil sa kaniyang nalaman sa isang episode ng Wowowin

- Isang nanay kasi ang iniwan ang kaniyang anak para makapanood ng live

- Agad naman itong pinauwi ni Willie at sinabihang mali ang kaniyang ginawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nakapagpigil ang TV host na si Willie Revillame nang malaman na isa sa kaniyang studio audience ay iniwan ang anak para lang makapanood ng live sa Wowowin.

Nalaman ng KAMI sa episode ng nasabing palabas noong January 11, 2019 na kinompronta ng host ang isang nanay dahil sa pag-iwan sa 4-month old nitong baby sa kanilang bahay.

Dito na biglang nagtanong si Willie kung paano kakain o papadedehin ang anak ng ginang kung nanonood ito ng live sa Wowowin.

Sinabi pa ng host na hindi tamang iiwanan ang isang supling para lang makapunta ang ina sa kung saan niya man gusto.

“Hindi tama yang iwan ang anak niyo ng walang inakay… Umuwi ka na… Yung anak nito ‘di pa dumedede, mag-isip kayo! Hindi ba kayo nanay?” pahayag ng celebrity.

Binigyan ni Willie ang nasabing ginang ng mga regalo kasama na ang apat na libong piso at isang cellphone.

Ipinahatid na lang din ni Willie ang nanay gamit ang sasakyan ng GMA dahil hindi raw ito marunong umuwi galing sa studio.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman sa ilang netizens, nagmukha daw na pinerahan lamang ang host at umasa lang ang ina sa tulong na ibinigay ni Willie.

“Walang perang pumunta ng broadway at iiwanan pa ang anak? Tapos walang hiyang hihingi ng pamasahe? My goodness!” saad ng netizen.

Narito ang video:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nagpasalamat at binigyan pa ng reward ng celebrity ang isang audience na nagregalo sa kaniya ng egg shell mosaic.

Si Willie Revillame ay kilala bilang isang aktor, host, singer, at komedyante na dating nagkaroon ng shows sa ABS-CBN. Inulan siya ng samu’t-saring kontrobersiya at nagdesisyon na pumirma ng kontrata sa GMA-7.

POPULAR: Read more news about Willie Revillame!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

A random man (played by our actor Roi) is asking people to help him with transportation money and seems like no one believes him or cares about his trouble. But then we met Tatay Kariton who counts every peso and he did a really touching thing – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mr. Sankai’s hilarious video greeting for son Fumiya goes viral

Fumiya receives hilarious video greeting from his father in Japan

Mr. Sankai’s hilarious video greeting for son Fumiya goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel