Heartbreaking video ng pagkikita ni Bimby at Kris Aquino matapos ang operasyon, viral

Heartbreaking video ng pagkikita ni Bimby at Kris Aquino matapos ang operasyon, viral

- Na-confine sa isang ospital sa Singapore si Kris Aquino dahil sa kaniyang sakit

- Matiyagang nagbantay ang kaniyang anak na si Bimby lalo na noong ooperahan ang aktres

- Ang video ng kanilang pagkikita matapos ang surgery, naging viral pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling pinatunayan ni Bimby Aquino-Yap ang kaniyang pagmamahal sa inang si Kris Aquino matapos makuhanan ng video ang kaniyang reaksyon nang muli silang magkita pagkatapos ng operasyon.

Nalaman ng KAMI na todo bantay ang nasabing celebrity kid sa kaniyang nanay na nasa Singapore upang magpagamot ng kaniyang sakit na chronic spontaneous urticaria.

Kamakailan lang ay naka-schedule si Kris na sumailalim sa isang operasyon at ang kaniyang anak naman ay matiyagang naghintay sa loob ng ospital.

Ipinakita sa video na tila may pinapanood lamang si Bimby sa kaniyang gadget nang mapansin niyang paparating na ang kaniyang ina kasama ang mga nurse dahil kakatapos lang ng medical surgery.

Excited na lumapit ang celebrity child at mababakas sa mukha nito ang saya dahil sa wakas ay natapos na din ang operasyon.

Mayroon pang part sa video kung saan nakita si Bimby na pumalakpak at inalalayan ang kaniyang ina habang ipinapasok sa kaniyang kwarto.

Mahigit 400 thousand na ang views ng video na inupload mismo ni Kris sa Instagram habang may more than 200 thousand naman ang nasa Youtube.

Sabi ng aktres, “When they showed me phone videos so i could edit this, Bimb’s reaction, his smile of relief, okay na okay na po ako.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samu’t-saring reaksyon naman ang natanggap ng viral video mula sa mga netizens na ang iba ay pinuri ang inasal ni Bimby para sa kaniyang ina.

Narito ang ilan sa mga komento:

“Mganda pagpapalaki ni Kris kay Bimby, bata pa siya pero alam na nya kung paano mag alaga sa ina ng may respeto at pagmamahal. Get well soon Kris!”

“I’d been crying seeing the brave boy of Kris Aquino. He is an ideal son every boy he possess towards a mother. Kris, you are so lucky for having Bimb.”

“Nakakatuwa nmn c Bimby. He really shows his love and care to his mom. Maganda ang pagpapalaki niya sa mga anak niya. She's a very good mother to her two sons.”

Narito ang video:

Sa nakaraang ulat ng KAMI, naibalitang discharged na sa Farrer Park Hospital sa Singapore si Kris matapos ang ilang medical tests na isiniagawa sa kaniya.

Si Kris Aquino ay isa sa mga tinitingalang celebrities sa Pilipinas. Anak siya ng dating Pangulo na si Cory Aquino at kapatid naman ng dati ring lider na si Noynoy Aquino.

POPULAR: Read more news about Kris Aquino!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

A random man (played by our actor Roi) is asking people to help him with transportation money and seems like no one believes him or cares about his trouble. But then we met Tatay Kariton who counts every peso and he did a really touching thing – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel