Babaeng nagbayad ng sariling pagkain sa date, inakusahang 'bakla' ang ka-date

Babaeng nagbayad ng sariling pagkain sa date, inakusahang 'bakla' ang ka-date

- Nag-viral ang kwento ng isang babae na nakipagdate sa estudyanteng lalaki at pinagbayad siya nito ng sarili niyang pagkain

- Inaya muli siya ng lalaki na lumabas ngunit tumanggi na ito dahil sa malaki nga namang insulto sa kanya umano ang magbayad ng sarili niyang pagkain sa unang date pa lamang nila

- Nagawa pang sumbatan ng lalaki ang babae na pasalamat pa raw ito at di niya pinabayaran ang kanyang pagkain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng isang lalaki ang mainit na sagutan nila ng isang babae na kanyang naka-date.

Ayon sa Yahoo news, gallit na galit ang babae dahil umano nakuha pa siyang ayain muli ng lalaki na lumabas gayong pinabayaran naman daw sa kanya ang sarili niyang kinain sa una nilang date.

Ang nakakagulat pa raw sa nangyari, tila kinakampihan pa ng netizens ang lalaki na sinabing di raw siya "sugar daddy" upang magbayad ng halos nasa 100 euros.

Gamit ang Reddit, pinakita ng lalaki ang sagutan nila ng babae. Katwiran nito, halos 6 na beses kamahal ang kinain ng babae kumpara sa kinain niya. Dagdag pa nito, ang babae pa ang nag-aya at di naman daw ang lalaki. Isa pa, estudyante pa raw pala ang lalaki.

Sa init ng ulo ng babae, inakusahan pa niya ang lalaki na "bakla" dahil ang totoong lalaki na 'gentleman' ay siyang magbabayad lalo na sa unang date nila ng isang babae.

Sa huling text ng babae, pinamukha pa niya sa lalaki na nais lamang nitong makipagtalik sa kanya saka tuluyan nang tinigilan ang sagutan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinubukan daw kasing ayain ng lalaki ang babae para makabawi rito. Aayain niya ito sa restawrant na kaya niyang bayaran para naman siya na ang magbayad ngunit di na naging maganda ang kinalabasan ng kanyang imbitasyon.

Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon ang kontrobersyal na mga screenshots.

Ang ilan ay nauunawan ang babae ngunit karamihan ay pumanig sa lalaki. Sabi nila, nasa katwiran ito at praktikal ang pag-iisip. Baka nga raw kaya ang babae ang nag-aya ay dahil makakalibre siya ng mahal na pagkain ngunit siya ay nabigo.

Ang nakakatuwa, may nagkomento na kumatawan daw sa mga LGBT na nagsasabing maging sila ay di rin babayaran ang kinain ng babae.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
DOTA player, topnotcher sa Medtech board exams na nakakuha ng 91.10% rating

DOTA player, topnotcher sa Medtech board exams na nakakuha ng 91.10% rating

DOTA player, topnotcher sa Medtech board exams na nakakuha ng 91.10% rating
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel