1 dalaga, humingi ng tulong para sa kapatid na na-bully at dumaranas ng depresyon

1 dalaga, humingi ng tulong para sa kapatid na na-bully at dumaranas ng depresyon

-Sa pamamagitan ng isang facebook post, humingi ng tulong ang isang netizen para sa kapatid na na-bully

-Dahil umano dito, nakararanas ang kanyang kapatid ng matinding depresyon at ninais daw ang mamatay na lang

-Kaya naman sa tulong ng social media, nais niyang iparating ang mensahe ng pakikibaka nito at ng pamilya sa sakit na dinaranas nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitang ng isang facebook post, humingi ng tulong ang dalagang si Jickay Castillantes mula sa mga netizens.

Ang mensahe nito sa social media may kasamang larawan ng kapatid nito habang iginuguhit si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ibinahagi ni Castillantes ang talento ng kanyang kapatid na ayon sa kanya ay dumaranas ng matinding depresyon.

Kwento ng dalaga, 6 na taong gulang pa lang daw ang kapatid niya nang madiskubre ang galing nito sa pagguhit.

Madalas din daw itong mag-uwi ng medalya ay certificates dahil a angking talento.

Ngunit nabago ito nang minsang umuwi itong umiiyak at sigaw ng sigaw. Ayon kay Castillantes, na-bully daw ito.

Dahil dito dumanas ito ng matinding depresyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ipinagamot nila ito ngunit dahil kinapos na rin sila ay sa pamamagitan ng mga vitamins at mga gamot na lamang sila umaasa.

Madalas na pagsigaw at pagwawala umano ang nagagawa nito dahil sa sakit. Ninanais na rin daw nito na mamatay na lamang.

Sa kanyang post, kinondena din niya ang mga taong ginagawang biro ang depresyon.

Hiling niya, sana ay seryosohin ang sakit na ito at huwag pagtawanan.

Hiniling din nito na sana ay i-share ng mga netizens ang kanyang post upang maramdaman ng kapatid ang kanyang importansya at kahalagahan upang makatulong sa paggaling nito.

Hangad ng KAMI ang paggaling ng kapatid ni Jickay Castillantes.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

E njoyed reading our story? Download KAMI's news app on istm as, in which you will find a lot of Christmas singing and joyous laughing! This Christmas edition of Tricky Question is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Paalam Boo! RIP Boo! "World's cutest dog" na may 16 million followers sa FB, pumanaw na

RIP Boo! "World's cutest dog" na may 16 million followers sa FB, pumanaw na

RIP Boo! "World's cutest dog" na may 16 million followers sa FB, pumanaw na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel