Gigil mo si meme! Vice Ganda, sinupalpal ang isang netizen na nagsabing OA ang fashion niya

Gigil mo si meme! Vice Ganda, sinupalpal ang isang netizen na nagsabing OA ang fashion niya

- Hindi pinalampas ni Vice Ganda ang isang netizen na nag komento tungkol sa kanyang kasuotan

- Ibinahagi ng TV host ang isang litrato na kuha sa kanyang bakasyon sa ibang bansa

- Isang netizen ang sinupalpal ni Vice matapos nitong punahin na OA na ang fashion diumano ng It's Showtime host

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na nakapagtimpi si Vice Ganda at pinatulan ang isang netizen na nagkmento sa isa sa litratong kanyang ibinahagi sa Instagram kung saan makikita siyang nakasuot ng yellow at black na checkered dress.

Kasalukuyang nasa bakasyon sina Vice Ganda kasama ang iba pang It's Showtime host na kanilang nabanggit noong nakaraang Linggo sa nasabing programa.

Sa kanyang ibinahaging litrato, isang netizen na may handle na @ramil_delmundo88 ang nag komento at nagsabing, "Bakla oa sa fashion...minsan d na maganda lol."

Gigil mo si meme! Vice Ganda, sinupalpal ang isang netizen na nagsabing OA ang fashion niya

Gigil mo si meme! Vice Ganda, sinupalpal ang isang netizen na nagsabing OA ang fashion niya
Source: Instagram

Tila hindi ito nagustuhan ng TV host at sinagot siyang, "at bakla kelan naman ako nakialam sa suot mo?!!!!"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagpakita naman ng suporta ang mga followers ni Vice Ganda at sinupalpal din ang nasabing netizen.

Hindi pa rin ito nagpatinag at sumagot. Ayon pa sa kanya, nagsasabi lamang siya ng kanyang opinyon at walang masama doon dahil mismong si Vice ay mahilig diumano manlait kapag nagpapatawa ito.

Hindi na ito pinansin pa ng TV host dahil sa mga followers pa lamang niya ay tiyak durog na ang nasabing Instagram user.

Sa naunang ulat ng KAMI, makikita ang kulitan ng mga It's Showtime host habang nasa eroplano papunta sa kanilang bakasyon.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya.

POPULAR: Read more about Vice Ganda here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, nagbigay ng huling update sa kaso niya laban kay Nicko Falcis

Kris Aquino, nagbigay ng huling update sa kaso niya laban kay Nicko Falcis

Kris Aquino, nagbigay ng huling update sa kaso niya laban kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel