PBB housemate Abi, inimbyerna ang mga netizens dahil sa diumano'y pagiging "epal"

PBB housemate Abi, inimbyerna ang mga netizens dahil sa diumano'y pagiging "epal"

- Umani ng pambabatikos ang Pinoy Big Brother adult housemate na si Abi

- Ito ay matapos maipalabas ang isang episode ng Pinoy Big Brother otso kung saan nagpumilit itong ibuking ang task ng mga lalaking housemates

- Gayunpaman, tuloy parin ang task nila ayon kay Big Brother kahit nabuking ang task ng mga male housemates

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan ang isang episode ng Pinoy Big Brother otso kamakailan matapos mabuking ang secret task ng mga male housemates. Naatasan silang tulungan ang isang star dreamer na naghahanap ng kanyang tunag na ina na hindi pa niya nakilala kailanman.

Kasabay ng kanilang pagtulong ay kailangan mapanatili nilang sekreto ang pamamalagi ng ni Marie sa bahay.

Nanatili siya sa kwarto ng mga lalaking housemate upang hindi siya makita ng mga babaeng housemate.

Dahil na rin sa ibang ikinilos ng mga male housemates, nakahalata na at nagduda ang kanilang kasamahan. Gayunpaman, mas inisip ni Mich na baka nga task nila iyon kaya hindi siya masyadong nakialam.

Salungat naman dito si Abi na kalaunan ay sinamahan din ni Lou. Pinilit nilang alamin ang tinatago ng mga boys kaya nabuking nila iyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, umani ng pambabatikos si Abi mula sa mga netizens. Ayon sa iba sa kanila, masyadong naging pabibo at epal ang dalawa.

Meron ding nagsabi na sana ay maevict na kaagad si Abi.

Panuorin ang video dito.

Sa naunang ulat ng KAMI, puro babae ang hinirang na Big four ng PBB otso teen edition na kinabilangan nina Jelay, Kaori, Karina at Lie.

Ang Pinoy Big Brother Otso ay isang reality show na lumalabas sa ABS-CBN. Kinakailangan mamalagi ng mga housemates sa loob ng bahay hanggang hirangin na ang big winner na kadalasang nagiging basehan ay text votes at mga challenges na kailangang mapagtagumpayan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel