Empleyadong walang pandinig, masayang nagtatrabaho sa ice cream stall sa Makati

Empleyadong walang pandinig, masayang nagtatrabaho sa ice cream stall sa Makati

- Sa kabila ng kanilang kapansanan, nabigyan pa rin ng pagkakataong makapagtrabaho ang mga empleyadong walang pandinig sa Makati

- May basic sign language daw na nakapaskil sa stal upang maturuan ang customer kung paano umorder

- Magandang oportunidad ito sa mga kababayan nating PWD upang mapakita sa kanilang di sila naiiba sa atin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bukod sa kakaibang pangalan ng 'Elait' na may ibig sabihin na milk (lait) sa French, ang ice cream parlor na ito sa Makati ay may mga masisipag na empleyado kahit sila ay walang pandinig.

Ayon sa kolum na Spark Up ng Business World, nakipag-partner ang Chief of Operations of Caravan Food Group, Inc. na si Francis Reyes sa College of Saint Benilde’s School for the Deaf.

Naisipan nilang i-hire ang mga graduate ng naturang paaralan sa kabila ng kanilang kapansanan.

Nalaman nila na maaring nagawa na ito ng ilang kompanya ngunit 'contractual' basis pa rin na tumatagal lamang ng anim na buwan.

Kaya naman labis na ikinatuwa ito ng mga graduates ng College of Saint Benilde’s School for the Deaf dahil sa napakagandang oportunidad nito para sa kanila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa umpisa, sinubukan nilang i-partner muna ang mga deaf employees sa mga nakakarinig upang di sila gaanong mahirapan. Ngunit napansin nila ang determinasyon ng mga ito kaya kalauanan, di na sila kinailangang samahan ng mga nakakarinig.

Simple lang ang pag-order, ituturo mo lang ang iyong nais na flavor gayundin ang sign. Nakakatuwang sundin din ang simpleng sign language na nakapaskil sa stall upang makausap ang mga empleyado na deaf.

At di lang ito ang naiisipang gawin ng 24 taong gulang na Chief of operations, nasa plano na rin nila ang pakikipag-ugnayan sa Ateneo Special Education Society. Maari rin daw kasi nilang tanggapin ang mga SpEd graduates sa donut venture naman nila na "Overdough."

Tunay na nakatataba ng pusong malaman na ang batang pinuno ng 'Elait' at 'Overdough' ay nakaisip na pagmalasakitan ang mga kapwa nating may kapansanan na mabigyan sila ng pagkakataong magtrabaho at mamuhay ng normal.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close ni Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson

Matured talaga! Iwa Moto, sobrang cool sa pagiging close nina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel