Raffy Tulfo at OWWA, tinapatan ang hamon ng kabit ng 1 OFW na ipa-deport sila

Raffy Tulfo at OWWA, tinapatan ang hamon ng kabit ng 1 OFW na ipa-deport sila

-Hindi pinalagpas ni OWWA Deputy Administrator na si Arnel Ignacio ang kayabangan umano ng isang OFW na naging kabit ng isang Pinay OFW

-Galit na sinalubong ni Ignacio ang tawag mula sa programang Raffy Tulfo in Action na unang nilapitan ng asawa ng Pinay OFW kasama ang 5 anak nito

-Ayon sa nagrereklamong mister, hinamon daw siya ng kabit ng kanyang misis na ipa-deport ito kung may utak siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nanggigil at nainis si OWWA Deputy Administrator Arnel Ignacio sa kaso ng isang Pinay sa Saudi na nagkaroon ng 'kabit' na isa ring OFW doon.

Sa unang artikulo mula sa KAMI, naibalita ang isang mister si Charlie si Charlie Lozada na inirereklamo ang kanyang misis na OFW sa Saudi na si Sheerly Gerasta na nagkaroon ng kabit na isang engineer sa nasabing bansa.

Dahil umano dito, nagawa siyang abandonahin ni Gerasta maging ang kanilang limang anak.

Ang kabit daw, maraming masasakit na sinabi sa kanya, at nagawa pa umano siyang hamunin na ipa-deport sila kung "may utak siya".

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagay na hindi nagustuhan ng host ng programang Raffy Tulfo in Action at ni Arnel Ignacio.

Kaya naman pinatulan ng mga ito ang hamon ng kabit na si Edwin “Kimpoy” Madredio. Ayon kay Ignacio, gagawin niya ang lahat upang maipakulong at ma-deport ang dalawa.

Maging si Tulfo ay tutulong rin daw para mas mapabilis ang pagkakakulong ng dalawa. Siya na rin daw ang bahala sa mga anak ng OFW.

Sa huli binigyan pa ng pagkakataon ni Tulfo ang dalawa ngunit desidido na si Lozada dahil daw sa paghahamon ni Medridio na ilang beses na daw niyang pinagmakaawaan.

Samantalang ang kanyang misis naman ay ilang beses na rin umanong nanlalaki, bagay na itinanggi ni Gerasta.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features tricky yet quirky questions for Christmas, in which you will find a lot of Christmas singing and joyous laughing! This Christmas edition of Tricky Question is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen and Claudine divulged they're not invited to their niece Dani's wedding

Gretchen and Claudine reveal they're not invited to Dani Barretto's wedding

Gretchen and Claudine reveal they're not invited to Dani Barretto's wedding
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel