Babaeng pumayag makasal sa ka-chat, huli na nang malamang milyonaryo pala ito

Babaeng pumayag makasal sa ka-chat, huli na nang malamang milyonaryo pala ito

- Matapos ang 10 buwan nang pag-uusap online ay nagpakasal na ang babaeng si Nguyen Van Anh kay Dang Tuan

- Marami man ang tutol sa agaran nilang pagpapakasal, di nagpatinag ang dalawa sa paniniwalang sila ang nakalaan sa isa’t isa

- Nalalapit na ang kasal nang malaman ng babae na ang lalaking pakakasalan niya ay isa pa lang milyonaryo na negosyanteng may-ari ng clothing brand sa kanilang bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing successful career woman ang Vietnamese na si Nguyen Van Anh ngunit di pa niya nahahanap ang lalaking makakasama niya habang buhay.

Sa kwento ng love story niya na binahagi si Buzooks, ang idol pa ni Van Anh ang tumulong sa kanya upang makilala ang lalaking nilaan pala sa kanya.

Nakita lamang umano ni Van Anh si Dang Tuan sa larawan ng iniidolo kaya nagpatulong ito na makilala ito.

Babaeng pumayag makasal sa ka-chat, huli na nang malamang milyonaryo pala ito

source: Buzzooks
Source: Facebook

Wala pa noong kaalam-alam si Van Anh kung gaano kayaman ang lalaki. Agad naman siyang pinagbigyan ng idolo at sinabi kay Dang makipagkilala kay Van Anh.

Inamin ni Dang Tuan na di siya gaanong close sa idolo ni Van Anh at pinagbigyan lamang nito ang hiling na makipagkilala sa babae.

Wala naman silang pinasisihan dahil sa agad naman silang nagkaroon ng koneksyon kahit pa online lamang sila nag-uusap. Nakabase kasi si Dang sa Russia habang nasa Vietnam naman si Van.

Di nila inaasahang agad na mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa. Aminado sila na di nila napag-uusapan ang estado nila sa buhay. Basta ang alam nila at ramdam nila na sila ang para isa’t isa.

Babaeng pumayag makasal sa ka-chat, huli na nang malamang milyonaryo pala ito

source: Buzzooks
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matapos ang 10 buwan ng pag-uusap madalas online, inaya na ni Dang na magpakasal si Van. HIndi rin malaman ng babae kumbakit napa-oo siya nito kahit di pa sila nagkikita at nagkakasama ng personal.

Sa umpisa ay di nakuha ng dalawa ang basbas ng magulang ng babae. Ngunit nang lumipad na mula Russia ang lalaki at pinatunayan kung gaano kamahal si Van, nakuha rin nila ang basbas ng mga ito.

Babaeng pumayag makasal sa ka-chat, huli na nang malamang milyonaryo pala ito

source: Buzzooks
Source: Facebook

Kaya agaran na silang nagplano para sa kasal. Laking gulat ni Van nang i-book ni Dang ang isang 5-star hotel sa Vietnam. Doon nalaman ni Van kung gaano kayaman si Dang.

Isa palang milyonaryo ang lalaki. May-ari ito ng isang clothing brand ngunit di niya lahat ito pinaalam kay Van upang malaman din ang totoong saaloobin sa kanya ng babae.

Dahil dito,napatunayan nila sa isa’t isa ng sadyang pag-ibig ang namumutawi sa kanila at walang halong yaman o anumang karangyaan.

Babaeng pumayag makasal sa ka-chat, huli na nang malamang milyonaryo pala ito

source: Buzzooks
Source: Facebook

Masuwerte rin si Van na di niya akalaing matutupad ang kanyang dream wedding na naisakatuparan lahat ni Dang para sa kanya.

Masayang nagsasama ang dalawa na buo na ang pamilya nang magsilang na si Van ng unang anak nila.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Paalam Boo! RIP Boo! "World's cutest dog" na may 16 million followers sa FB, pumanaw na

Paalam Boo! RIP Boo! "World's cutest dog" na may 16 million followers sa FB, pumanaw na

RIP Boo! "World's cutest dog" na may 16 million followers sa FB, pumanaw na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel