Dalagitang buntis na inakusahan ng shoplifting, napaanak nang dalhin sa pulisya

Dalagitang buntis na inakusahan ng shoplifting, napaanak nang dalhin sa pulisya

- Iniimbestigahan ang isang menor de edad na buntis na sinasabing shoplifter nang mapaanak ito sa mismong istasyon ng pulis

- Habang tinatanong, nagrekalamo ang babae na masakit ang tiyan kaya naman humingi ng saklolo ang pulisya sa mga medical team ng bumbero

- Dahil sa menor de edad pa ang babae, isinangguni na muna sa DSWD ang kanyang kaso at pinayuhan na umuwi na lang muna ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nireklamo ang isang menor de edad na dalaga ng shoplifting sa Tacloban city. Ngunit nang dalhin ito sa pulisya, uminda ito ng pananakit ng kanyang tiyan.

Ayon sa ABS-CBN, humingi agad ng tulong ang Tacloban city police sa BFP medical ng lugar na agad namang rumesponde.

Doon naabutan ng medical team na binubuo nina F03 Glenn Punzalan at F02 Mel Francis Lagutan ang babaeng nakahandusay na sa banyo ng police station.

Dahil sa kaalaman nila sa pagpapaanak, naging matagumpay naman ang paglabas ng sanggol at nasa maayos din namang kalagayan ang ina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakaalalay din ang ilang pulisya sa anumang pwedeng mangyari sa mag-ina habang sinisilang ang sanggol.

Hinangaan din ang BFP medical team dahil sa agarang pagresponde nila sa paghingi ng tulong ng pulisya.

Ayon sa kanila, bahagi pa rin ito ng kanilang tungkulin bilang medical team. Ang iba pa nga raw sa kanila ay pawang mga nurses kaya naman sadyang may kaalaman sila sa mga ganitong sitwasyon.

Samantala, nai-turnover naman ang babae sa city social welfare service. Ngunit, dahil sa ito ay menor de edad pa lamang, inabisuhan na lamang ang mga magulang ng mga ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
K Brosas fumes in anger after seller used Chokoleit's pictures to promote product

K Brosas fumes in anger after seller used Chokoleit's pictures to promote product

K Brosas fumes in anger after seller used Chokoleit's pictures to promote product
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel