Na-offend ba? Liza Soberano at Ogie Diaz, nag-react sa kontrobersyal na comment ni Ricci Rivero

Na-offend ba? Liza Soberano at Ogie Diaz, nag-react sa kontrobersyal na comment ni Ricci Rivero

- Nag-trending kamakailan lang ang isang interview ni Ricci Rivero kung saan siya ay tinanong tungkol kay Liza Soberano

- Nagbigay pahayag na sina Liza at Ogie Diaz sa sagot ng basketball player sa interview niya

- Umani naman ng samu't saring reaksyon ang nasabing pahayag nina Liza at Ogie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News

Naging viral kamakailan lang ang kontrobersyal na comment ni Ricci Rivero sa isang interview tungkol sa Kapamilya artist na si Liza Soberano.

Tinanong kasi si Ricci kung payag ba siyang maging leading man ni Liza at sumagot siya ng "Depende sa schedule ko."

Nalaman ng KAMI na nag-react na sina Liza at ang kanyang talent manager na si Ogie Diaz tungkol dito.

Ayon sa report ng PEP, napangiti lamang daw ang aktres sa comment ng basketball player.

Ibinahagi naman ni Ogie sa kanyang social media account ang text ni Ricci sa kanya, "Tito Ogie, super sorry po for what happened. I didn't mean to say that in a bad way, but I was just trying to say that I don't wanna go between Enrique and Liza because I respect the love teams in the industry and I even said that Liza will always be Liza—so that simply means that she is already established as Liza."

Ayon din kay Ogie, "Wa echos, hindi ako nainis kay Ricci no'n o nayabangan sa kanya. Kaya ang sabi ko lang, iinom muna ako ng tatlong litro ng tubig."

Umani naman ng samu't saring reaksyon ang pahayag nina Liza at Ogie.

"sa nagsasabe mabait c ricci hahaha ayan na lumabas nanaman ang tunay na ugali ng hambog nayan"
"hahaha gusto mo lng magpasikat e"
"Yabang talaga ng ricci na to,feeling sikat sya din yong binalita na kung mag demand ng mga makakasama nya,ng entourage nya kala mo super sikat"
"Yabang mo dong"
"Oa naman.. Ano naman kung nasabi niya un... Wala namang masama..."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, tinanong si Ricci Rivero sa isang interview kung payag ba siya maging leading man ni Liza Soberano. Umani ng samu't saring reaksyon mula sa netizens ang nakakagulat na sagot ni Ricci.

Si Liza Soberano ay isang Kapamilya artist na ka-loveteam ni Enrique Gil. Nung 2017, kinumpirma na ng Star Cinema na si Liza ay gaganap bilang si Darna sa bago nitong pelikula.

POPULAR: Read more news about Liza Soberano

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

This video features a low-budget parody of Jaden Smith's music video for Plastic! This low-budget parody is hilarious and it will definitely put a smile on your face! Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagbebenta ng droga

11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagbebenta ng droga

11 taong gulang na bata, ginagamit di umano ng ina sa pagbebenta ng droga
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel