OFW nais bawiin ang anak dahil may bago na pala si Mr.! Giit ni Mr, praning ito

OFW nais bawiin ang anak dahil may bago na pala si Mr.! Giit ni Mr, praning ito

-Humingi ng tulong ang OFW na si Finky Uray sa programang Raffy Tulfo in Action upang mabawi ang anak nito

-Rekalmo pa nito, nag-asawa na ito ng bago at may anak nang 5-anyos

-Ngunit giit ni Mister, na-praning lang si Misis bagamat inamin nitong may iba na siyang karelasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tinulungan ng programang Raffy Tulfo in Action ang overseas Filipino worker (OFW) na si Finky Uray upang mabawi ang kanyang anak mula sa ama nito.

Dumulog sa programa si Uray upang humingi ng tulong na makuha ang anak at para na rin daw mabawi ang mga ari-ariang ipinundar niya na hindi daw sinang-ayunan ng kanyang ex!

Reklamo niya, iniaangkas daw kasi nito sa kanilang motor ang babae nito. Giit niya, siya ang nagpundar niyon.

Ang mas masakit pa raw ay nang malaman niya na may anak na pala ang kanyang kinakasama sa babae nito na 5 taong gulang na umano!

Kwento ni Uray, apat ang anak nito sa una at siya daw ang nagpa-aral sa mga ito!

Depensa naman ni Mister na si Belito Baybayon, hindi kanya ang bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Umamin naman ito na may iba na itong karelasyon dahil hiniwalayan na siya ni Uray.

Habal-habal driver daw kasi siya kaya nabalitaan ni Uray na nakaangkas sa kanya ang babae noon.

Nagkasundo naman ang dalawa na maghiwalay na lamang.

Gusto na lang daw mabawi ni Uray ang kanyang mga naipundar mula kay Baybayon maging ang kustodiya sa bata.

Pumayag naman si Baybayon bagamat nais niyang masiguro na aalagaan ni Uray ang kanilang anak at hindi basta papadalan lamang.

Sa tulong ng team ng programa ay nabawi naman ni Uray ang kanyang anak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anne Curtis breaks down in front of audience during concert goes viral

Video of Anne Curtis breaking down in front of audience during concert goes viral

Video of Anne Curtis breaking down in front of audience during concert goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel