Paslit, nakitang duguan sa kalye nang hatawin ng sinturon ng kanyang ina

Paslit, nakitang duguan sa kalye nang hatawin ng sinturon ng kanyang ina

-Isang concerned citizen ang nakakuha ng video ng isang paslit na duguan sa Malolos sa Bulacan dahil hinataw ng sinturon ng kanyang ina

-Agad namang umawat ang isang traffic enforcer at pinosasan ang ina ng bata

-Nakarating ang video sa mga pulis at agad na nahuli ang ginang na nagsisisi naman daw sa nagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Duguan na at pumutok na ang ulo ng 8-anyos na bata sa isang video pagkatapos itong hatawin ng sinturon ng ina sa Malolos, Bulacan.

Ang ina naman nito, agad na inawat at pinosasan ng isang traffic enforcer na nakasaksi sa insidente.

Nang makapanayam ng GMA News sa presinto ang ginang, sinabi nitong nagsisisi siya sa nagawa at hindi naman daw niya sinasadya ang nangyari.

Saktong yumuko daw kasi ang bata nang paluin niya ng sinturon at tumama sa ulo nito ang bakal nito.

Papaliguan daw kasi niya ito kaya nanakahubad ito sa video.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi pa ng ginang, napakakulit ng kanyang anak at natuto na umanong magnakaw.

Ngunit ang mas malalim na dahilan daw ay dahil dito kung ayaw na silang tanggapin ng kanyang pamilya.

Ngunit ayon kay Sr. Insp. Jaynalyn Acosta-Udal ng Malolos Women and Children's Protection Desk, nang tanungin niya umano ang ginang ay 'di pa ito sigurado kung ilang beses nang nagawa nito ang ganoon sa bata.

Sumailalim na ang ina ng bata sa inquest kaugnay ng paglabag sa anti-child abuse law.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng DSWD ang bata at ang isa pa nitong kapatid. At kahit pa hindi sinasadya, nasaktan pa rin daw ito ng sariling ina.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte threatens to fire MWSS officials & terminate concessionaires' contracts

Duterte personally threatens to fire MWSS officials, terminate Maynilad & Manila Water contracts

Duterte personally threatens to fire MWSS officials, terminate Maynilad & Manila Water contracts
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel