Nambastos ng crew, manager at guard sa fast food, kasama raw umano ng heneral ng militar

Nambastos ng crew, manager at guard sa fast food, kasama raw umano ng heneral ng militar

- Viral ngayon ang video ng babaeng nagwala sa isang fast food chain

- Di raw ito makapaghintay sa binigay ng waiting period upang maihanda ang kanilang pagkain kaya nagsimula na itong manigaw ng mga tao sa fast food

- Pinagmamalaki ng babae na ang kasama niyang heneral ng militar ang umorder at di raw dapat ito pinaghihintay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang video ng nagwawalang babae sa isang fast food chain.

Ayon sa post na binahagi ng Pinoy viral video, naganap ito dis-oras na ng gabi kaya naman limitado lamang ang mga crew gayundin ang pagkain na maaring ihain sa mga kakain.

Unang umorder ng kape ang babae para raw sa mga lasing na kasama nito. Naibigay naman daw ito agad. Maya maya ay umorder mulii ito ng bucket ng chicken at chicken nuggets. Dahil sa marami-rami ang order, nagbigay ang crew ng 15 minutes na waiting time para maihanda nila ang mga pagkain.

Dito nagsimula nang umalma ang babae. Bakit daw ganoon katagal gayung heneral daw ng militar ang umorder noon na dapat ay hindi pinaghihintay.

Di naman nagsalita ang mga kasama ng babae ngunit patuloy na ito sa pagtaas ng boses. Humantong na sa pambabastos sa halos lahat ng mga nagtatrabaho sa fast food ang ginawa ng babae.

Maging ang guwardiya, crew at maging ang manager ay tila nawalan ng dignidad sa mga pinagsasabi ng babae dahil lamang sa pagpapamukha nitong "heneral" ang kanyang kasama.

Samantala, di naiwasang manggalaiti ng mga netizens sa napanood nilang viral video ng babaeng ito. Wala raw sa katwiran ang babae at mali ang ginawa nitong pambabastos sa halos lahat ng tao sa fast food.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Abusado!ireklamo na yang putragis na babaeng yan!"
"E di wow Kung makatalak daig pa ang may ari ah palakpakan c palengkerang mayabang"
"Ayos buti pa yung kasama nya tahimik sya lang ang maingay"
" ate wala kang karapatan na murahin mo ang mga tao jn dapat mag hintay ka porke general manager ka asal wala kang mudo, dapat may pinag aralan ka general manager ka pa naman pinakita mo sa mga tao na asal hayop ka gaga ka akala mo kng sino ka na mali yan o baka nag yayabang ka kc nasa militar ka pinag yayabang mo na yan binibigyan mo na man ng dungis ang militar dahan-dahan ka naman mag salita sa mga tao jn dahil may damdamin din sila wag mong igaya sa sarili mo na wala kang mudo. ginagalang ang militar pero ikaw wala kang galang sa kapwa mo masama yang ginawa mo sa mga tao jn dapat matauhan ka na man sa mga pinag sasabihan mong hnd maganda sa mga tao..."
"Hahahaha,yabang n girl report nio agad yan"
"Dapat pinalamun na saknya yung hilaw na chicken,..kala mo kung sino nakakainit ng dugo"

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel