Netizens, kinagiliwan ang batang 'sumobra ang sipag' sa pagpasok sa eskwela

Netizens, kinagiliwan ang batang 'sumobra ang sipag' sa pagpasok sa eskwela

- Viral ang video ng batang tinawag na "Precious" dahil daw sumobra ang sipag nito pagpasok sa paaralan

- Naalimpungatan ang bata at inakalang 6:00 na ng umaga kaya nagmadali na itong pumasok sa paaralan

- Umabot na sa mahigit 750k views ang naturang video sa loob lamang ng isang araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwang tuwa ang mga netizens sa batang si "Precious" dahil sa pagpapakita nito ng kakaibang 'determinasyon' niya sa pagpasok sa paaralan.

Ayon sa sa caption ng post ni Master, Wendell sa Facebook, "sumobra ang sipag sa pagpasok ni ineng! hahaha."

Makikita ang bata sa video na naka-uniporme kaya naman tinanong ito kung bakit ito nakasuot nito. Sumagot naman ang bata na "6" at nilinaw naman ito ng nagtanong sa kanya na "6pm" pa lamang.

Naalimpungatan lang pala ang batang si Precious dahil natulog umano ito noong tanghali. Inakala niyang alas sais na ng umaga kaya naman nagmadali na itong nagbihis sa pag-aakalang mahuhuli na siya sa eskwela.

Nakaka-relate naman ang mga netizens at ang ilan pa nga ay nakaranas din ng ganoon noong kabataan nila.

Ang iba naman ay nagbiro na humanga sila sa bata dahil sa pagpapakita nito ng interes ng pagpasok sa paaralan kahit inakala niyang huli na siya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Taas ang kamay kung sinong naka relate.hahhaa pagnaalaala ko e dinanas ko din to e.haha"
"Ngyare saken to nagising ako ng 4am lumabas ako ng bahay para bumili ng fried rice at egg. Para pambaon sa school. Tapos nakita ko mga pinsan ko nag iinuman ng ganung oras sa labas, napaupo na din ako. Tapos ayun hindi na ko pumasok. The end."
"Nanay ko tulala lang saby sabi saan punta mo? Tanga ikaw lang papasok ngayon.! Sabi ko bkit holiday ba? Baliw 6pm plang hndi pa maaga"
"Atleast masipag siya pumasok kaysa sa mga ibang bata na tamad pumasok kahit pinagsasabihan na pumasok na"
"Naka relate ako haha.. yung gumising ako nang 4am nang madaling araw.. nag mamadaling mag asikaso.. buti bago ako umalis tinext ko bf ko.. kung sabay ba kaming papasok.. at doon tumigil ang mundo ko.. 4pm pa pala pasok namin.. "

Orihinal na binahagi ang post ni Kristine Cortes o 'Hakuna Matata' sa kanyang Facebook, ang ina ng batang si Precious.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel