Dalawang dalagita, nag-iskandalo at nagsabunutan dahil lang di umano sa FB post

Dalawang dalagita, nag-iskandalo at nagsabunutan dahil lang di umano sa FB post

- Nag-eskandalo ang dalawang menor de edad na babae dahil lamang di umano sa isang post sa social media

- Nakunan ng video at umano'y pagsasabunutan ng dalawang dalagita sa kalsada Barangay San Roque, Zamboanga City noong Enero 10

- Maari pa raw managot ang mga nasa edad na nakakita ng kaguluhan ngunit di umawat sa dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang nagkasakitan dahil sa pagsasabunutan ang dalawang menor de edad na babae sa kalsada mismo sa Barangay San Roque, Zamboanga City.

Ayon sa ABS-CBN news, nakunan umano ng video ang iskandalo at talagang makikitang ayaw paawat ng magkabilang panig.

Sa tindi ng paghihila ng buhok ng bawat isa ay halos mapahiga na ang mga ito.

Mapapansin din sa video na may mga nanonood na matatanda at ilang kabataan ngunit nanonood lamang ang mga ito imbis na awatin ang dalawang dalagita.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sinubukan ng mga kaibigan at kaanak ng magkabilang panig na awatin ang dalawa ngunit maya maya pa'y ang mga ito na rin ang nag-away

Nagkainitan sina alyas "Mercy" at "Anabel" dahil lamang umano sa parinigan sa Facebook kung saan inakusahan ni "Mercy" si Anabel na 'malandi' at di dapat tularan ng kanyang mga tropa.

Agad namang pinatawag ng pulis ang magkabilang panig maging ang mga magulang ng ng mga dalagita.

Paliwanag ng pulisya, maari ring managot ang mga nasa edad na na nakigulo rin sa dalawa imbis na awatin ang mga ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel