Legal wife, labis na natuwa nang nabuntis ang wife no. 2 na kasama rin nila sa bahay

Legal wife, labis na natuwa nang nabuntis ang wife no. 2 na kasama rin nila sa bahay

- Ginulantang ang social media ng viral na kwento ng isang pamilya na may dalawang misis at isang mister

- Polyamorous relationship ang tawag sa ganitong sitwasyon na di madaling tanggapin ng lipunan

- Magkakasundo ang lahat at masasabi nilang masaya sila sa kanilang relasyon kahit pa ito ay kakaiba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naglantang sa kakaibang kwento ng relasyon nina Buddy Sullivan, Lauren King at Rose Sullivan kung saan sila ay magkakarelasyon at nakatira sa iisang bubong.

Ayon sa Extreme Love Facebook page na siyang nagbahagi ng kanilang kwento, di naging madali para sa kanila ang pagtanggap ng kani-kanilang pamilya sa kanilang relasyon ngunit masaya silang pinagpapatuloy ito.

Legal wife, labis na natuwa nang nabuntis ang wife no. 2 na kasama rin nila sa bahay

Source: Extreme Love FB
Source: Facebook

Nalaman pa ng KAMI na pinagbubuntis ni Lauren ang panglimang anak ni Buddy ngunit pangalawa lamang sa kanya. mayroon na kasing tatlong anak sina Rose at Buddy bago pa dumating si Lauren sa kanila. Labis na natuwa si Rose sa pagbubuntis ni Lauren at madaragdagan muli ang kanilang pamilya.

Dating naka-relasyon ni Rose sina Lauren at Buddy. Aminado si Lauren na isa siyang lesbian na ex ni Rose. Naisipan lamang ni Rose na kumustahin si Lauren sa pamamagitan ng Facebook at nagsimula silang magkita muli bilang magkaibigan lamang.

Di nila inaasahan na ang pangungumusta na iyon ay mauuwi sa Polyamorous na pamilya.

Narito ang link ng video mula sa Extreme Love Facebook page:

https://web.facebook.com/ExtremeLoveShow/videos/2223900127934204/

Legal wife, labis na natuwa nang nabuntis ang wife no. 2 na kasama rin nila sa bahay

Source: Extreme Love FB
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nahirapan lamang silang ipaunawa sa kani-kanilang pamilya ang sitwasyon ngunit nang makita nila kung gaano nagmamahalan at bawat isa sa kalaunan at tinanggap na rin nila ito.

At dahil lesbian si Lauren, tila di rin natanggap ng kanilang komunidad ang desisyon nitong pumisan sa pamilya nina Rose at Buddy.

Wala raw nararamdamang selos ang bawat isa sa kanila. Maaring iniisip ng ibang tao na may higit silang minamahal sa relasyon ngunit sa totoo raw ay pantay-pantay ang pagmamahal na nilalaan nila sa isa't isa.

Legal wife, labis na natuwa nang nabuntis ang wife no. 2 na kasama rin nila sa bahay

Source: Extreme Love FB
Source: Facebook

Malaki rin daw ang naitulong ni Lauren sa pagkakadagdag sa pamilya dahil sila ni Buddy ang nagtatrabaho at di na sila dapat mag-alala pa kung sino ang mag-aalaga sa kanilang mga anak dahil si Rose ang naiiwan sa mga ito.

At para tuluyang pagtibayin ang kanilang relasyon, nagpropose na raw sina Rose at Buddy kay Lauren at naghahanda na sila sa kanilang kasal na tanggap naman sa kanilang lugar.

Di man daw nila sinasabing walang masama sa kanilang gingawa at si rin nila ini-engganyo ang iba na tularan sila. Nagkataon lamang na nahanap nila ang bawat isa na tanggap ang ganitong klaseng pamilya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Can't get over with the latest Chambe dance challenge? KAMI tried it with a low-budget version but still with a bang!

Chambe Hit Song - Our Low-Budget Version | HumanMeter on KAMI YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
18 anyos na lalaki, sinabuyan ng asido ng baklang pinsan pa nito dahil sa "selos"

18 anyos na lalaki, sinabuyan ng asido ng baklang pinsan pa nito dahil sa "selos"

18 anyos na lalaki, sinabuyan ng asido ng baklang pinsan pa nito dahil sa "selos"
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel