Batang calamansi vendor, viral dahil sa kanyang bibong pagbebenta

Batang calamansi vendor, viral dahil sa kanyang bibong pagbebenta

-Viral ngayon sa social media ang bibong-bibong pagbebenta ng isang batang calamansi vendor sa Panabo public market

-Kaya naman hindi napigilan ng isang netizen na kunan ito ng video upang mai-post sa social media

-Maging mga netizens, humanga sa diskarte nito sa pagbebenta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naitampok sa You Scoop ng GMA News ang batang calamansi vendor sa Panabo public market na nag-viral online dahil sa kanyang galing sa pagbebenta.

Sa kuha ng netizen na si Jaypee Donasco na namamalengke daw kasama ang isang kaibigan ng mga panahong iyon, makikita kung gaano ka-bibo ang bata na nakilalang si Marian, sa pagbebenta ng kanyang mga panindang calamansi.

Tila nga nakakaengganyo itong bilihan lalo pa at all-smiles ang bata na 'di kakakitaan ng pagod at pagrereklamo.

Magiliw na magiliw rin ito sa bawat customer na lalapit sa kanya. Kaya naman hindi nakpagtataka na mapansin ang kanyang diskarte.

Ang mga netizens, aliw na aliw at humanga sa batang calamansi vendor.

Kwis Quitevis: "Bata pa lang madiskarte na. Ganyan dapat ang mga kabataan at sana matularan ng iba hindi yung panay kalandian na kinukunsinti pa sa Bahay ni Kuya."

Jason Bernabe: "mas kahanga2 ang ganyang bata kesa sa mga batang ang mundo ay puro gadget lang ang alam."

Florence Cortez: "ang sipag nya at may abilidad at her age wow i hope someday sya ang makapantay kay BILLGATES when she grew up."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hannah Bismarck: "Hanga ako sa batang ito. Masipag at masaya nyang ginagawa ang pagtitinda hindi mo kakikitaan na napipilitan lang sya sa ginagawa nya.Mapalad ang magulang nya at sigurado malayo mararating mo sa buhay."

Zai Lah: "Galing nman ni baby.marunong na mag hanap buhay sa ganyang murang edad.d magugutom pamilya mo.baby."

Jason Aman: "May mararating s buhay ang batang ito... positibo ang pananaw nya s bagay bagay at magaan s kanya ang pagpasok ng swerte pagdating ng araw."

Corie Osera Salen: "Ang galing nman magbenta ng batang to."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Rhian Ramos pranks delivery boy by aggressively flirting with him

Rhian Ramos pranks food delivery boy by flirting with him

Rhian Ramos pranks delivery boy by aggressively flirting with him
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel