Negi, tinuldukan na ang chika na tampuhan diumano nila ni Vice Ganda!

Negi, tinuldukan na ang chika na tampuhan diumano nila ni Vice Ganda!

- Ang chika daw noon sa 2018 Metro Manila Film Festival ay nagkaroon diumano ng tampuhan si Negi at GGV host na si Vice Ganda

- Dahil hindi ito umano nasali sa blockbuster film ng It's Showtime host at Unkabogable Phenomenal Superstar na Fantastica

- Nilinaw at tinuldukan na ni Negi ang naturang isyu sa guesting niya sa Tonight With Boy Abunda, kamakailan lang

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

May namuo diumano na alitan o tampuhan ang GGV host na si Vice Ganda at kaibiga nito na si Negi noong 2018 MMFF dahil daw sa hindi pagkakakasama ng huli sa pelikulang Fantastica, ayon pa sa balita na nasagap ng KAMI.

Kaugnay nito ay naitanong ni Tito Boy kay Negi ang naturang chika sa pagbisita ng huli sa TWBA, kamakailan lang, na una naming napag-alaman sa ABS-CBN News.

Ipinaliwanag ni Negi ang totoo at tinuldukan na sa wakas ang naturang chika.

Ani pa ng komedyante:

"Wala po kaming tampuhan ni Ate Vice, okay po ang relasyon namin. Parang lahat kami sa comedy bar, binibigyan niya ng moment. Tinutulungan niya kami, bawat isa. 'Yung naisama sa movie naranasan ko na po, then sumunod po si Kiray (Wacky Kiray), then si Chokoleit po, kaya nakakatuwa po."

Dugtong pa ni Negi sa sagot niya sa tanong ni Boy Abunda:

"Pero 'pag gumagawa po si ate ng movie, kahit wala po kami ay todo suporta po."

Patuloy pa na pahayag ni Negi na hindi pa rin sya umano nawawala sa tabi ng Unkabogable Phenomenal Superstar na naging kilala rin daw na tumulong sa kanyang karera mula sa comedy bar hanggang sa kanyang pagkilala sa telebisyon.

Pagtatapos pa na pahayag ni Negi:

"Yes, hindi ko po iniiwan ang 'GGV', napapanood pa rin nila ako at andoon pa rin po ako sa tabi ni Ate Vice."

Si Negi ay unang nakita at nakilala sa TV sa pamamagitan ng Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda.

Panoorin ang kabuuang interview at sagot sa babang video.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we are still celebrating the holiday season together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Manny Pacquiao and family pose with NBA superstars

Manny Pacquiao and family pose with NBA superstars

Manny Pacquiao and family pose with NBA superstars
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel