Pinoy nurse na anak ng magsasaka, tinanghal na "Nurse of the year" sa UK

Pinoy nurse na anak ng magsasaka, tinanghal na "Nurse of the year" sa UK

-Itinanghal ang ating kababayan na si Ridel Francisco bilang UK's Nurse of the Year at siya'y proud bilang isang Pinoy

-Tubong Nueva Ecija si Francisco at ipinagmamalaki niyang siya ay anak ng isang magsasaka

-Mensahe niya para sa lahat ng dumaraan sa kanyang naging karanasan, huwag isiping ang kahirapan ay hadlang para abutin ang pangarap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tubong Bongabon, Nueva Ecija si Ridel Francisco, 44-anyos at isang nurse sa Lynde House sa Richmond, sa United Kingdom. Ngayong taon, itinaghal siya bilang UK's Nurse of the Year sa nakaraang 2018 Barchester Care Awards.

Ipianagmamalaki ni Francisco na siya'y isang Pinoy na kilala sa mata-tyaga pagdating sa pag-aalaga.

“Napakasaya ko. I’m proud of it, of my hard work in the UK,” ani Francisco na nakabase na sa UK sa loob ng labing tatlong taon.

“I’m very proud being a Filipino. Una sa UK, maraming Filipino nurses at nai-represent ko ang hard work at dedication ng mga Filipino, which is very known na mahuhusay na nurses sa UK at sa iba pang bansa.”

Si Francisco ay isang unit manager sa isang private care home doon. At isa siya sa 1,500 nominees sa prestihiyosong award.

Ang nito ay nire-require ang mga pasyente, pamilya o mga colleagues na mag-nominate. At si Francisco ay ni-nominate ng kanyang dating pasyente na si Yvonne Hewett.

“He knows the technicalities of nursing and not just the technicalities but of dealing with patients, particularly here, where patients have many different needs and ailments,” sabi ni Hewett.

“That’s a huge recognition for the residents and families to say what they said about him--that he’s a great nurse: competent, caring. Caring is a natural thing. You can’t learn to care.

You can learn the techniques and the skills but it’s an innate thing that you want to care for people and I think Ridel has that. That’s what makes him special,” ayon naman sa general manager ng Lynde House na si Alison McIntosh.

Ibinahagi rin ni Francisco ang kanyang pinagdaanan bago marating ang kanyang pangarap.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Magsisibuyas kami. ‘Yun ang pangunahin naming hanapbuhay doon. I came from farming as well. Nagtatanim ako ng sibuyas, palay at nagsikap ang magulang ko na mapagtapos ako as a nurse,”

Taong 1996 nang makatapos siya at nakapag-trabaho sa Department of Health sa Cabanatuan. Pagkatapos ng sampung taon, kumatok ang pagkakataong makapag-trabaho siya sa UK.

Kasal na si Francisco at may tatlong anak. Nagpapasalamat din siya na sinuportahan siya ng kanyang misis sa pagpapa-aral sa kanyang tatlong kapatid.

“Pangarap kong mag-abroad to help my brothers and sisters,” anito. Dalawa sa mga ito ay guro na habang ang isa naman ay sumunod sa kanyang yapak at naging nurse.

Payo niya sa mga katulad niya, “Ang kahirapan ay ‘di hadlang para maabot mo ang ganitong antas ng pamumuhay. Hindi rin lang matataas na paaralan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Basta graduate ka at may pagsisisikap ka, may pangarap ka sa buhay, maaabot mo,"

Pinoy na anak ng magsasaka, tinaghal na "Nurse of the year" sa UK

Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

Pinoy na anak ng magsasaka, tinaghal na "Nurse of the year" sa UK

Photo source: ABS-CBN News
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Guess what, it's our special edition of the tricky questions challenge, in which you will find lots of Christmas songs and joyous laughter! Merry Christmas everyone from the whole HumanMeter team – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Maymay Entrata, pinag-aaral ang mga pinsan at kapatid! Netizens, napuno ng papuri

Maymay Entrata, pinag-aaral ang mga pinsan at kapatid! Netizens, napuno ng papuri

Maymay Entrata, inulan ng papuri ng mga netizens dahil sa pagpapa-aral sa mga pinsan at kapatid
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel