Netizens, naintriga sa latest tweet ni Angelica Panganiban tungkol sa pagbili ng crib!

Netizens, naintriga sa latest tweet ni Angelica Panganiban tungkol sa pagbili ng crib!

- Pagkatapos magtweet tungkol sa gusto na raw niyang mag-asawa ay may panibagong tweet naman si Angelica Panganiban, na pinag-uusapan ng mga netizens

- Saad sa kanyang tweet ang kagustuhan niya umano na makabili ng crib sa taong ito at binanggit pa ang kulay na gusto niya

- Bumuhos naman ang samu't saring reaksyon mula sa mga netizens sa social media at nagtatanong kung gusto na nga ba raw ni Angge ng baby

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isang tweet na naman ng Playhouse star na si Angelica Panganiban ang nagpagulantang at pinag-uusapan ngayon ng Twitter world.

Spotted ng KAMI ang pinag-uusapang tweet na tila nagpapahiwatig umano na mukhang gusto na ni Angge ang magkababy, ayon pa sa mga katanungang at komento ng netizens.

Ito rin ang naging tanong ng push.com.ph, kung saan una naming naispatan ang viral tweet ni Angelica.

Ani pa ni Angge sa kanyang tweet:

“Gusto kong bumili ng crib this year. Yung white. Para neutral."

Nagbigay reaksyon naman at komento ang kanyang mga online followers sa naturang tweet.

"Mag pa baby shower ka na lng madam.. for sure maraming mag bibigay nang libre! "
"Puting lampin naman ang ireregalo ko para neutral din"
"Cge! Puting feeding bottles na rin skin.."
"ako na sagot sa mga puting baby clothes hahaha"
"waaah Angge sana magdilang anghel ka talaga dahil yan ang mga wish nmin sa iyo. Why not wag na patagalin mahirap mbuntis na may edad na. kaya go with the flow sabi ni doc Harold"
"Ate patty, bakit po ganyan mga tweets mo recently?? Hehehehe.. love you po.."

Bago pa sa tweet na ito, una ng pinag-usapan ang naunang tweet ni Angge tungkol sa pag-aasawa.

At present, single pa daw si Angelica Panganiban na makikita sa Playhouse sa Kapamilya network.

Pero kadalasan ay tinutukso sa kanyang ex-boyfie na si Carlo Aquino, nang magtambal muli sila sa pelikulang Exes Baggage.

POPULAR: Read more news about Angelica Panganiban here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, as we are still celebrating the holiday season together with our family and loved ones, our team has explored the streets, once again, to ask our fellow Pinoys on some fun, Christmas tricky questions.

Clearly, they had hilarious laughs on their faces, making this joyful season happier and more meaningful.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ni Malia habang nalilito kung sino ba talaga si Pokwang at sino si yaya, nag-viral

Video ni Malia habang nalilito kung sino ba talaga si Pokwang at sino si yaya, nag-viral

Video ni Malia habang nalilito kung sino ba talaga si Pokwang at sino si yaya, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel